MERS Coronavirus
SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pag-aralan ng gobierno ang ikabubuti ng madlang people at ng Philippines my Philippines pagdating sa usapin tungkol sa ekonomiya.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan maghinay-hinay din ang gobierno regarding sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus pag-ingatan natin ang pa-pogi tungkol sa usapin ito mahirap na baka tayo sa Philippines my Philippines ang mayari oras na nakapasok ito sa atin at mabalitaan sa abroad na mayroon ito rito dahil tiyak maapektuhan ng malaki ang ating turismo oras na nakarating ang balitang ito sa mga turistang banyaga na pupunta rito.
Bakit?
Sagot - matatakot na mahawa at baka ito pa ang ika-tigok nila. Hehehe!
Ganito rin ang mangyayari sa madlang people lalo sa lugar na uuwian ng may sakit matatakot ang kanyang mga kapitbahay at siguradong magkakaroon ng paniki este mali panic pala oras na malaman nilang may nag-uwi sa kanila ng MERS Coronavirus.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya sa mga international airport pa lang ay todo bantay ang mga medical staff para siguruhin matiktikan ang courier ng MERS - Coronavirus.
Sabi nga, 24/7 ginagamit ang thermal scanner para mamonitor ang mga pasaherong may mataas na lagnat para sila malapatan ng agarang lunas at mailayo sa madlang people kung sakaling mag-positibo sila sa nasabing sakit.
Hindi kasi biro ang sakit na ito nakakamatay.
Ika nga, deadly!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya ito ang dahilan kung bakit itinatago ng mga doktor ang pangalan ng isang pasyente na kanilang iniiksamin para bigyan sila ng proteksyon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, delikado ang sakit na MERS - Coronavirus dahil marami na ang mga natigok sa Gitnang Silangan ng tamaan sila nito kaya siguro dapat pag-ingatin natin ang mga OFW’s na pumupunta ng Middle East.
Ika nga, maging malinis sila sa katawan at alamin ang mga mabisang proteksyon para hindi sila mahawa sa sakit na ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag may mga masamang nararamdaman sa sarili ay agad ‘consult a doctor.’
Ika nga, ingat kayo!
Abangan.
General Garbo imbestigahan mo
HINDI mahuli ng pulisya si Joy, ang operator ng jueteng sa buong Parañaque City dahil ginagasgas nito ang pangalan ni General Garbo porke ang huli ang sinasabing protektor ng una?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang operayon ni Joy pagdating sa usapin ng dayaan bolahan porke napakalaki ng engreso nito everyday.
Sabi nga, P.5 million?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang puedeng pumigil sa jueteng operation ni Joy dahil marami foolish cops ang nakikinabang ng perang itinatapal nito kaya naman tuwang-tuwa ang mga kamote.
‘Siguro si Garbo na mismo ang dapat magpahuli kay Joy para maalis sa utak ng madlang people na siya nga ang pumapatong dito kaya hindi mahinto ang jueteng operation sa lugar.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Abangan.
- Latest