^

PSN Opinyon

Smile diplomacy

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

CONGRATULATIONS President Mayor Joseph Erap Estrada! Ang laki ng tinik na nabunot. Gumaang na ang tensyong namagitan sa Pilipinas at Hong Kong dala ng hindi magandang “handling” ng Luneta Hostage Situation. Hindi lang ang palpak na operations ang ininda ng mga biktima at ng pamunuan ng HK. Higit dito ay hindi nila nagustuhan ang malamig na reaksyon ng administrasyon sa kanilang makatwirang pagreklamo.

Hindi namatay ang usapin dahil sa pagtanggi ng Pangulo na akuin ng pamahalaan ang responsibilidad sa trahedya. Sa kabila nito ay ginawang misyon ni Pangulong Mayor Erap mula nang maupo ito bilang Mayor nung 2013 na hilutin ang problema sa abot ng makakaya. Sa tutoo lang ay marami ang nawalan na ng pag-asa na may masilayang liwanag ang madilim na kabanata ng RP-HK relations. Unti unting nagpatong patong ang mga hakbang na ginawa ng HK upang ipaabot ang kanilang pagkasuya, mga aksyong nagpahirap sa ating mga kababayang OFW at sa kalakal na namamagitan sa dalawang bansa. Su-balit si Erap at ang kanyang Manila City Council ay hindi nagpaawat. Nakailang beses din silang pabalik balik sa HK upang maisaayos ang katakot takot na sumbatan na kailangang ayusin.

Ang kanyang pagpupursigi ay nasuklian din. Kahit pa hindi ganoon kalayo ang posisyon ni President Erap sa posisyon din ni Pangulong PNoy, sa mga taga HK ay naging higit na katanggap tanggap ang alok ng una. Siempre, nang nagtagumpay na ang misyon ay biglang nagpaha-yag ang Palasyo na matagal na daw silang nakikipag-usap sa HK at ang nangyaring pagtanggap ng “paumanhin na walang sorry” ay kulminasyon din ng kanilang paghihirap. Sige na nga, kasama din kayo sa selebrasyon. Pero ma-ging si Cabinet Secretary Rene Almendras na kasama sa delegasyon ni Erap ay umamin na minsan, wala talaga yan sa mensahe kung hindi sa tono at delivery nito.

Ang tagumpay ni President Mayor Erap ay tagumpay ng Smile Diplomacy. Panahon na sigurong may magsabi sa itaas na subukan din ang ganitong klaseng pamamaraan.

CABINET SECRETARY RENE ALMENDRAS

ERAP

HONG KONG

LUNETA HOSTAGE SITUATION

MANILA CITY COUNCIL

PANGULONG MAYOR ERAP

PRESIDENT ERAP

PRESIDENT MAYOR ERAP

PRESIDENT MAYOR JOSEPH ERAP ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with