‘Infrastructure watchdog’
SA anumang proyektong inilulunsad ng pamahalaan, mahalagang alam at nababantayan ito ng taumbayan.
Hindi pa man sinisimulan ang programa, ito man ay sa sektor ng turismo, agrikultura, kalsada at iba pang ahensya, dapat nalalaman na ang espisipikong proyek-to, lugar na pagtatayuan ng imprastruktura at magkano ang ibubuhos na pondo. Nang sa gayon, ang mga tiwali, hindi makakurakot dahil mayroong mga nangangamoy at nagbabantay.
Naging laman ng programa ko sa radyo at telebisyon kahapon ang sinasabi ng pamahalaan namassive infrasÂtructure spending. Ayon sa hepe ng NEDA na si Arsenio Balicasan, nakalaan na ang natitirang dalawang taon sa termino ni Pangulong Noy Aquino sa pagsasaayos ng mga imprastruktura at ‘yung tinatawag nilang inclusive growth.
Inclusive growth, ibig sabihin hindi ‘yung mangilan-ngilan lang ang nakikinabang at yumayaman kundi pati na rin ang mga tao sa ibaba. Naniniwala ang BITAG Live na para umunlad ang isang bansa, kailangang may maayos na pamumuno, pangangasiwa at nakikita na ang gobyerno ay may pananagutan sa mga mamamayan.
Sa English, ito ‘yung sinasabi ni PNoy na governance, transparency at accountability sa adbokasiya niyang tuwid na daan. Subalit ang problema, sila sila lang sa pamahalaan ang nakakaalam sa mga pondo at kaganapan sa loob at ayaw nilang sabihin sa taumbayan.
Ang World Bank na mismo ang nananawagan sa mga bansang pinapautang nila na dapat gising at nagmamasid ang mamamayan. Kinakailangang magkaroon ng watchdog o mga magbabantay sa mga proyektong pina-plano at ilulunsad pa lang.
Matagal ko ng binabanggit, dati pa at noon pang nakaraang taon na mahalagang maipasa ang Freedom of Information Bill o FOI. Ang problema, hindi ito prayoridad at binibigyang importansya ni PNoy dahil kontra dito ang mga amuyong niya sa Kongreso.
Ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest