^

PSN Opinyon

Police blotter

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAYA pala nagalit ang desk officer ni Supt. Jackson Tuliao sa mga reporter noong Martes ng gabi dahil lumalabas na naging mapilit ang mga ito na mabasa ang police blotter hinggil sa P250,000 diamond earing ni Mrs. Alice Lacson na inisnatch sa Divisoria noong Lunes. Mayroon palang moro-moro sa pagkakaaresto sa apat na suspek na maaring nakasulat sa blotter, hehehe! Napag-alaman ko ‘yan sa mga nakaaresto kina Marvin Antonio, Ro-nald Pallega, Benjamin Cabrera at Sherlon Eguez. Disgrasyang nakasalamuha ko sila sa patayang naganap sa Paraiso ng Batang Parola noong Biyernes ng gabi. Kanilang pinagdidiinan na hindi mga pulis  ni Tuliao ng MPD-Moriones, Tondo Police Station ang naging tulay upang malutas ang kaso sa asawa  ni dating senator/rehabilitation czar Panfilo Lacson. Kung sino pa ang naghirap sa paggalugad sa  Isla Puting Bato, Muelle de Binondo at Bambang/Abad Santos na kinatatakutang pasukin ng pulis sila pa ang nadehado sa papoging istorya ni Tuliao. Kasi nga sa halip na papurihan sila sa katapangan at kabayanihan, inakusahan pa silang asset ang mga mamimitas ng kuwintas sa Divisoria. Kaya hindi maitago ang sama ng loob ni Chairman Arnel Parce, mga kagawad at tanod sa Barangay 20, Parola, Tondo sa lumabas sa ilang pahayagan, siguro hindi rin nakabasa ng police blotter  ang  nagsulat laban kina Parce. Kaya naimungkahi ko ito kay MPD director CSupt. Rolando Asuncion nang magkape ito sa MPD Press Office noong Sabado de Gloria. Nagitla si Asuncion sa aking katanungan at sinagot na walang bawal sa pagbuklat ng police blotter dahil public document ito. Ang bawal lamang ay ang pagba-vandalized at yung police blotter ng women desk. Kita mo na Col. Tuliao, maging si Asuncion na mismo ay hindi pabor sa pagtatago mo ng police blotter sa reporters. Ang mabuti Col. Tuliao, pag-aralin mo muna ang mga pulis na itatalaga sa desk information upang di na maulit ang nakakahiyang usapin.  Sayang ang magandang trabaho na dapat maipagmamalaki kay Lacson kung naging sistematiko ang pagpapakita ng police blotter sa reporters. Biruin n’yo mga suki, nahuli kaagad ang mga suspek na nang-snatch kay Mrs. Lacson na walang kapagud-pagod. Hindi man lang tumulo ang pawis ng mga nagtatabaang tiyan ng mga tauhan mo Col. Tuliao. Abangan!

ABAD SANTOS

ASUNCION

BATANG PAROLA

BENJAMIN CABRERA

BLOTTER

CHAIRMAN ARNEL PARCE

DIVISORIA

ISLA PUTING BATO

TULIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with