Illegal practice
Magbasa ka lang ng dyaryo, manood ng tv o makinig ng radyo ay pihadong may matutunan ka tungkol sa batas. Siyempre, ang mga balitang bumebenta ay ang mga sensational news at wala nang higit na sensational kaysa mga kuwento tungkol sa mga pasaway na hindi sumusunod sa itinakda ng batas. Sa dami nga ng paulit-ulit na nagkakasala, akala mo, eksperto na ang lahat lalo na kung nagbibidahan tungkol sa mga mabigat na argumento ng kaso. Tayong mga Pinoy, karaniwan na ang magmarunong basta may kaunting nalalaman.
Marami ang nabigla nang mabalitang kinasuhan ang doktor na gumamot kay Gng. Gloria Macapagal Arroyo ng “illegal practice of Medicineâ€. NBI mismo ang naghain ng reklamo laban sa isang nagngangalang Antonia Carandang-Park dahil may nagsumbong na wala pala itong lisensiya galing sa Professional Regulatory Commission (PRC) bilang doctor. Sa Pilipinas, hanggat hindi pa napapatupad ang integration of services na magaganap sa ilalim ng ASEAN integration sa 2015, ay wala pa ring karapatan magpraktis ng propesyon ang mga taong hindi lisensyado dito – maging doctor ka man o abogado.
Maaring may nalalaman ka sa paggamot ng pasyente. Puwede pa ngang ubod ka ng husay sa pag-alaga ng may kapansanan. Subalit kapag hindi lisensiyado upang ma-monitor ng pamahalaan, walang karapatang manggamot sa Pilipinas. Ang pagrehistro at pagkuha ng lisensiya ang pinakamabisang paraan upang magampanan ng gobyerno ang regulasyon ng propesyon ng medisina. Sa lahat ng propesyon, ito na ang pinakamaselan dahil kalusugan at kaligtasan ang mismong nakataya. Kapag walang lisensiya at magpraktis ka, illegal practice of medicine yun.
Ang dali pa namang maengganyo ng Pinoy sa anumang formula na nagpapaganda sa panlabas na anyo. Una ang pagpaputi at pagpapayat. Ilan na sa atin ang basta sumubok ng mga miracle cure - Glutathione, Bangkok pills at iba pa. Huli na nang malaman na hindi pala aprubado ng Bureau of Food and Drug Administration. May mga doctor nga na nagbebenta pa nito bilang treatment sa pasyente. Bawal din yan kung walang lisensiya bilang pharmacist dahil tanging ang mga pharmacy ang may karapatang magbenta ng gamot. Ang doktor ang nanggagamot, ang pharmacist ang nagbebenta ng gamot.
Hindi nagkukulang ang ating mambabatas na proteksyunan tayo mula sa sarili nating kahibangan. Kaya nandiyan ang mga batas tulad ng “illegal practice of medicine†na halos ngayon lang natin naaaninag.
- Latest