^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalbaryo ng mga motorista, hinuhukay na kalsada

Pilipino Star Ngayon

KABI-KABILA ang paghuhukay sa mga kalsada sa Metro Manila. Sa kahabaan ng EDSA ay nakalinya ang mga isasagawang paghuhukay. Noong nakaraang buwan pa nagsasagawa ng reblocking sa EDSA at sabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) maaaring lumampas pa sa takdang araw ang pagtapos sa mga hinuhukay. Baka raw hindi matapos ngayong Mahal na Araw. Ibig sabihin, pagbalik sa lungsod ng mga nagsipagbakasyon sa kani-kanilang probinsiya nitong Mahal na Araw, mahaba at nakaiinis na trapik muli ang bubulaga sa kanila. Kahapon, bumuhos na ang mga pasahero sa bus terminal at nagsikip na sa trapik ang EDSA at iba pang kalsada palabas ng Metro Manila. Mayroon nang mga paghuhukay na isinasagawa sa maraming lansangan.

Bukod sa ginagawang pagsasaayos sa EDSA, inuumpisahan na rin ang pag-construct sa Skyway na magkokonekta sa South Luzon Expressway at North Luzon Expressway. Pabigat nang pabigat ang trapik at wala nang masulingang alternatibong daan ang mga motorista sapagkat kabi-kabila ang paghuhukay na isinasagawa.

Nagbibigay ng kalbaryo sa mga motorista ang walang katapusang paghuhukay ng Maynilad Water. Kapansin-pansin ang kanilang paghuhukay na napakatagal bago matapos. May mga pagkakataong iniiwan nilang nakatiwangwang ang mga hukay sa gitna ng kalsada na lubhang delikado sa mga motorista lalo na sa gabi. Nakikipagsabayan ang Maynilad sa DPWH sa paghuhukay at tila walang pakialam kung magkabuhol-buhol man ang trapiko. Ayon sa Maynilad, isinasaayos nila ang mga tubo ng tubig na may tagas. Maraming nasasayang na tubig dahil sa leak. Ang nakapagtataka lang, bakit napakatagal bago nila kumpunihin ang mga tubong nawasak at pumupulandit ang tubig. Maraming nasasayang na tubig dahil sa sirang tubo. Ang mga tumatagas na tubo ang dahilan kaya madaling makasira ng mga kalsada. Ito ang nagdudulot kaya nagkakalubak-lubak ang mga kalsada kahit sa EDSA.

Magkaroon sana nang mabilisang pagsasaayos sa maraming kalsada sa EDSA. Piliting matapos ngayong bakasyon upang sa pagbababalik ay wala nang sasalubong na nakapupunding trapik.

ARAW

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MARAMING

MAYNILAD

MAYNILAD WATER

METRO MANILA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PAGHUHUKAY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with