^

PSN Opinyon

Chinese scholars: 9-dash claim mali

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAPILITAN maglathala ang Beijing kamakailan ng kunwari’y “academic study” ng “9-dash claim” nila sa buong South China Sea. Ito’y para kontrahin ang mga tunay na saliksik ng Chinese scholars. Pinapatunayan kasi ng mga saliksik na kathang-isip lang ang pag-angkin ng karagatan na tinatawag din ng Vietnam na East Sea at ng Pilipinas na West Sea.

Ang bagong labas na libro ay akda ni chairman Wu Shicun ng National Institute for South China Sea Studies. Ang NISCSS ay think tank ng gobyernong China para sa sea claim. Sa pag-anunsiyo ng libro, sinikap ng Global Times, sangay ng People’s Daily ng Chinese Communist Party, na pabulaanang propaganda lang ang libro ni Wu.

Parami nang parami ang Chinese academics na tumutuligsa sa “9-dash claim” ng Beijing. Isa sa pinakahuli si Li Woteng, na bagamat pen name ay halatang pinag-aralan ang isyu. Sinulat niya kamakailan sa Sina, pinaka-malawak na Internet forum sa China, na walang batayang legal o kasaysayan ang sea claim. Ginuhit lang daw ni Bai Mei Chu nu’ng 1936 ang hangganan ng pangisdaan ng mga Tsino, tapos walang pagsusuring ipinagpalagay na agad na ‘yun ang teritoryo ng China. Si Zheng Si Yue, mababang opisyal ng home affairs, ang nagpa-drawing ng mapa. Samantala, aniya, dalawang batas ng China, nu’ng 1992 at 1996, ang nagtakda na hanggang 12 miles lang ang territorial sea nila.

Anang isa pang scholar, si Li Ling Hua, unscientific ang mapang “9-dash claim.” Wala itong longitudes at latitudes, dahil iginiit lang ng mga pinuno sa Beijing kontra sa regulasyon at batas. Dalawampung taon nang nagsasaliksik si Li para sa National Oceanographic Data and Information Center; umakda na siya ng 90 studies. Aniya, alisin na sa mga libro ang mapanlinlang na mapa, na nilabas noon lang 1947.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BAI MEI CHU

BEIJING

CHINESE COMMUNIST PARTY

EAST SEA

GLOBAL TIMES

LI LING HUA

LI WOTENG

NATIONAL INSTITUTE

NATIONAL OCEANOGRAPHIC DATA AND INFORMATION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with