Kamatayan, bahagi ng tunay na buhay
AYON kay propeta Ezekiel, ang muling bubuksan ng Panginoon ay ang mga libingan at hihingahan Niyang muli at bubuhayin ang mga patay. Kaya’t sa mga pangyayari ngayon na lindol at sigalot na Bagyong si Yolanda ay isang paala-ala na magaganap na ang lahat ng plano ng Panginoon. Kaya paghandaan natin ito sa pamamagitan ng ating pagbabalik-loob sa Kanya. “Sa piling ng Poong Diyos, may pag-ibig at pagtubosâ€.
Isang babala sa atin ni Pablo na mamuhay tayo ayon sa Espiritu ng Diyos upang muli Niya tayong buhayin sa huling araw. Sapagka’t kung tayo’y nabubuhay ayon sa laman ay hindi tayo kalulugdan ng Panginoon.
Sa kabuuan ng ebanghelyo sa araw na ito ay ipinakita sa atin ang pagpapatunay ni Hesus na Siya ang muling pagkabuhay at ang buhay. Matalik na kaibigan ni Hesus ang magkakapatid na Lazaro, Marta at Maria Magdalena. Sa kanilang bahay ay palagiang kumakain si Hesus at mga alagad. Nagkasakit si Lazaro at ibinalita nina Marta at Maria kay Hesus: “Panginoon, ang kaibigan mong minamahal ay may sakitâ€. Ang tanging sagot ni Hesus: “Hindi magwawakas sa kamatayan ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito’y maparangalan ang Anak ng Diyosâ€.
Nagpatuloy si Hesus ng pangangaral sa malayong lugar at makalipas ang ilang araw ay nagbalik sa Betania na apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Nabalitaan ni Marta na parating na si Hesus, nagmamadali niyang sinalubong at sinabi: “Panginoon, kung kayo po’y narito hindi sana namatay ang aking kapatid.†“Muling mabubuhay ang iyong kapatid†sabi ni Hesus. Sumagot si Marta na nalalaman niya ang muling pagkabuhay sa huling araw.
Kadalasan ay hindi natin matanggap ang pagpanaw ng ating mahal sa buhay. Tulad ni Marta ay sinasabi natin: “Panginoon kung narito ka lamang hindi namatay ang aking kapatidâ€. Para bang sinisisi pa natin ang Diyos. “Omnia tempus havent (Ecclesiastes3:1)â€. Panahon ng pagsilang at panahon ng kamatayan. Kadalasan ay hindi natin ito matanggap. Bakit? Hindi ba tayo handa?
Ezekiel37:12-14; Salmo129; Roma8:8-11 at Juan11:1-45
* * *
Ngayon binyag ko apo sa pamangkin, Ian Jonathan Lleva Acevedo dito simbahan Deerpark, NY, USA
- Latest