Ibang pamantayan
PMA Cadet 1st Class Aldrin Jeff Cudia at PNP Sr. Supt. Conrad Capa. May kanya kanyang pasaning problema sa mundong iniikutan. Ang kanilang mga karanasan ay pamilyar na sa atin dahil sa pagpasya nilang isapubliko ang suliranin. Kung baga ay tinangka na nilang unahan ang mahigpit na patakaran ng kanilang institusyon at baka sakaling magamit ang pressure ng public opinion para sa sarili nilang kapakanan.
Mukhang naging matagumpay sa unang tingin ang taktika nina Cudia at Capa. Kung bibilangin ang paborableng komentaryo sa kanilang krusada, aakalain mong panalo na sila. Sino ang hindi naapektuhan sa kalupitan ng parusang ipinataw kay Cudia dahil lamang sa pagiÂging late sa kanyang klase. Sa kaso naman ni Capa, kung kailan pinagpipistahan ng lahat ang kanyang matagumpay na pagtugis kay Delfin Lee ay saka naman ito ipinatapon sa malayo at kinansela ang anumang oportunidad nitong ma-promote. Ang kuwento ng dalawang kawawang ito ay talaga namang bumenta ng husto sa publiko na agad ding nagpahiwatig ng suporta sa pamamagitan din ng media.
Karaniwan na ang karanasan nina Cudia at Capa na kapwa pinili ang lumabas sa proseso sa hangaring maÂkamit ng mas paborableng resulta sa ibang pamamaraan. Katarungan ang hanap at sa tingin nang marami, ang katarungan ay hindi kailanman pinagkakait kahit ano pang katotohanan ang inyong kinagagalawan.
May kumplikasyon nga lang sa kaso nina Cudia at Capa. Ang mundong pinanggalingan ay mundong sila mismo ang pumiling pasukin. At nang pinasok ang ganitong larangan, sila’y nasa edad na at may sariling desisyon at kaisipan. Ang military at ang police force ay kapwa institusyon na gumagamit ng pamantayan na naiiba sa nakasanayan ng ordinaryong Pinoy. Dahil ito ang mga inatasan na maging responsable sa ating seguÂridad at kaligtasan, sinisiguro ng kanilang mga institusyon na sa pagÂhubog sa kanila ay mas mabigat na pagsubok ang daanan at mas matinding hamon ang harapin. At kahit magmukhang maÂlupit sa mata nang marami, kailangan naÂting tanggapin at intindihin na ito ang tanging paraan upang siÂguÂruhin na, dahil nahubog ng mataas na pamantayan, ang mga magtatanggol at puprotekta sa atin ay laging maaasahang kumilos nang tama.
- Latest