^

PSN Opinyon

Cocaine

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

MAY P1 billion na halaga ng high-grade cocaine ang nakuha ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency XI at ng Davao City Police Office sa isinagawang raid kamakailan sa Sumifru Wharf  sa Barangay Tibungco, Davao City.

At sa may tinatayang 65 na bloke ng cocaine, 53 lang ang nakuha ng mga otoridad at sinabing may 11 or 12 pang nawawala at hawak ng mga tao sa loob ng Sumifru Wharf.

Nangako si Mayor Duterte ng P100,000 sa sinumang makapagbigay ng impormasyon ukol sa sinumang may hawak ng nawawala pang cocaine.

Alam ni Duterte na hindi madaling maitago ang mga nasabing mga bloke ng cocaine dahil nga hindi madaling ibenta ang mga ito at ito ay may kamahalan din. Aabot ng may P1.5 million ang isang bloke ng cocaine.

Ngunit ang panibagong raid ngayon na nagresulta sa pagkakita ng cocaine ay halintulad din sa nangyari noong 2009 na may 16 blocks din ng cocaine ang nakuha sa isa na namang container van ng Maersk ngunit magkaiba nga lang ang container yard.

Kung ganito itong may nakikita pang cocaine na itinago sa mga gilid ng mga container vans na ito, pupuwedeng hindi huminto ang transhipment ng cocaine na dumadaan dito sa Davao ports o sa kung saan mang ports sa Pilipinas na kung saan dumadaong ang mga foreign vessels.

Patuloy ang kalakalan ng illegal drugs gamit pa ang mga refrigerated reefer container vans na ito.

At kung totohanan ang hangad nitong puksain ang illegal drugs, ano nga ba ang ginagawa ng ating mga otoridad at patuloy ang pagpuslit ng mga kontrabandong ito sa ating mga international ports?

Kulang na kulang pa ang efforts ng ating mga otoridad upang mabantayan at nang tuluyan nang mahinto ang ganitong klase ng kalakalan na ginagamit ang mga export at import processes sa ating mga ports.

Sana naman patuloy ang pagmamanman ng ating mga otoridad sa transhipment ng mga nasabing illegal cargoes gaya ng cocaine.

Kasi kung ang pagpasok ng illegal drugs ay nagpapa­tuloy sinisira na rin natin ang kinabukasan ng ating nag-iisang bansa.

AABOT

BARANGAY TIBUNGCO

COCAINE

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE OFFICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MAYOR DUTERTE

SUMIFRU WHARF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with