^

PSN Opinyon

Hindi congruent

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NAPAG-ALAMAN ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang congruent sa subject na geometry noong ako ay nasa high school. Ang isang bagay  na ituturing na congruent o symetrical kung ito ay umaayon sa halip na sumasalungat sa pangkalahatang sistema o plano ng isang bagay.

Kapansin-pansin na may ilang aspeto ang governance ng Bangsamoro na hindi congruent o symetrical sa pangkalahatang system of governance ng Republika ng Pilipinas. Halimbawa, chief minister ang tawag sa pinaka-pinuno ng Bangsamoro sa halip na governor. Ayun sa local government code, governor ang titulo ng mga pinuno ng mga probinsya. Bagamat rehiyon ang Bangsamoro at hindi probinsya bakit hindi Regional Governor ang itatawag natin sa halip na Chief Minister? Ang tawag sa mga pinuno ng 13 sates ng Malaysia ay Chief Minister. Mas congruent at symetrical sa sistema ng Malaysia ang pagiging Chief Minister ng Bangsamoro.

Mayroon kayang maitim na agenda ang mga liderato ng Bangsamoro na balang araw, idedeklara nila na sila ay aanib na sa Federation of Malaysia? Kapag tinanggap ng Malaysia ang Bangsamoro  bilang member state, kaya ba nating labanan ang puwersa ng Malaysia.

Ang lapit-lapit lamang ng Malaysia sa Sulo. Sa loob ng ilang minute, kayang ipatawid ng Malaysia ang kanyang armed forces sa Bangsamoro para depensahan ito kapag tumutol at subukang pigilin ng Pilipinas ang Bangsamoro na maging member state ng Malaysia. Kapag nangyari ito, goodbye Sabah. At goodbye Secretary Ding Deles at kasapakat as you all go to jail for high treason.

AYUN

BAGAMAT

BANGSAMORO

CHIEF MINISTER

FEDERATION OF MALAYSIA

KAPAG

MALAYSIA

PILIPINAS

REGIONAL GOVERNOR

SECRETARY DING DELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with