Mga kasabong may pasabong si Kuyang Biyong
SA April 11, 2014, Biernes dakong alas - 6pm ay aarangkada na ang pa 3-cock derby ni Kuyang Biyong Garing dyan sa Victoria Cocpit Arena, Victoria, Oriental Mindoro.
Tirada ni Kuyang Biyong, P5,500 ang pot money, P5,500 ang minimum bet at ang premyo ay ‘open’ with matching trophy sa magwawagi.
Ayon sa birada ni Kuyang Biyong, ang desired weight ay 1.8 - 2.4 kgs., at ang submission ng weight ay sa araw ng pasabong nito dakong alas 7am to 12pm.
Para sa clubhouse reservation tumawag o mag-txt kina Edson - 0949-989-5380 o 0926-213-2748, Ando 0948-821-2913 o kaya kay Tata 0949-624-51-42. Ang promoter ay si Atty. Silverio Garing.
CIDG-NCR pinakamabangong unit sa PNP
HINDI pipitsugin nilalang ang mga nahuhuling kriminal ng mga tauhan ni CIDG - NCR sa pamumuno ni S/Supt. Bong Fajardo dahil sunud-sunod silang nakakalambat ng mga kamote.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang tiwala ni CIDG director Magalong kay Fajardo dahil hindi ito nalilihis ng landas at puro huli na lamang ang nasa isip nito kaya naman masaya ang kanyang amo sa PNP partikular si CPNP Alan Purisima.
Sabi nga, job well done!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nitong mga nakaraan araw ay sunud-sunod na most wanted at mga ogag na kriminal ang nakalaboso dahil sa walang humpay na monitoring, surveillance, casing at siempre operation ng mga tauhan ni Fajardo partikular ang bata niyang si PNP Chief Inspector Willy Sy ng CIDG - QCCIDT porke ang mga nasungkit nito ay hindi pipitsugin ‘killer’ number 8 lang naman sa most wanted criminal sa Leyte at ang pagkakasupot ng grupo nila sa RCBC holdap group na naghihimas na ngayon ng rehas sa bilibid.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, yesterday afternoon ay nahulog sa bitag nila ang isang Nick Basierto y Piro, alyas Abay, 35, taga-Calbayog City habang nagpapanggap itong tatanga-tanga sa isang furniture shop sa Cavite. Tinira ng mga tauhan ni Sy kasama ang AFP - ISAFP ang kamote sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reynaldo Clemente ng RTC Branch 31, 8th Judicial Region, Calbayog noon pang 2012.
Sabi nga, no bail recommended ang hunghang!
Kaya naman pumapalakpak ang madlang people lalo na ang mga kamag-anak ng mga napatay sa CIDG - NCR dahil sa walang tigil nilang pagta-trabaho sa mga wanted people na ang karamihan sa mga kaso ay ‘murder.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi matatapos ang tag-init at masusungkit na rin ng mga tauhan ni Fajardo ang gunman na rumatrat sa isang government official sa airport kamakailan.
Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi biro para ma-trabaho ang mga most wanted criminals dahil maiilap ang mga ito sa batas tulad ng nahuli ni Sy na si Reynaldo Canciller y Rosales, alyas Lando, sa pinagtataguan nitong lungga sa 625 Interior Road, Barangay Bagbag, NovaÂliches, Quezon City sa visa ng warrant of arrest ng inilabas ng RTC branch 97 sa kasong murder at frustrated murder at may pending warrant of arrest din ito sa Palo, Leyte.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang maganda sa CIDG - NCR ang mga nahuhuli nilang mga wanted criminal ay buhay pagdating sa kanilang headquarters sa Camp Crame.
Ika nga, lugi sa kanila ang funeraria? Hehehe!
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang grupo ni Fajardo ang tumira sa grupo ng CIDG - Pampanga na gumagawa ng milagro sa kanilang area of responsibilities natuklasan nila na matapos mahuli ang mga droga ng mga bigtime druglords ay itinatago muna ito at pagkatapos kapag hindi mainit ay ibebenta naman ng mga kamoteng lespu ang nahuli at iba pa.
Pinaalalahanan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na huwag munang gaanong mainip ang madlang people dahil hindi natutulog ang mga taga - CIDG - NCR sa paghuli sa mga kriminal.
Sabi nga, marami pa silang sisiluin!
Abangan.
- Latest