^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan: Kasunduan sa kapayapaan

Pilipino Star Ngayon

NALAGDAAN na ang peace agreement sa pa-gitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Huwebes. Maraming natuwa, hindi lamang ang mga Muslim sa Mindanao kundi pati lahat nang Kristiyano sa buong bansa. Ang paglagda ang hudyat sa pagtatapos ng limang dekadang labanan ng mga sundalo at rebeldeng Muslim sa Mindanao. May mga umiyak. Pati ang mga MILF rebels ay labis na natuwa sapagkat tapos na ang paglalaban. Maraming buhay ang nalagas sa labanan. Maraming sibilyan ang naipit sa walang patlang na palitan ng putok.

Sa paglagda ng kasunduan, tiyak na ang pagtayo ng Bangsamoro autonomus region. Isang batas ang lilikhain na aaprubahan ng Kongreso at magsisimula na ang autonomy sa Mindanao. Sabi ni President Aquino sa kanyang talumpati makaraan ang paglagda sa peace agreement, hindi raw niya hahayaang mawala pa ang napagkasunduan ukol sa matagalang kapayapaan sa Mindanao. Hindi siya papayag na manumbalik ang kaguluhan doon. Magbabantay siya at sisiguruhing magkakaroon na nang kapayapaan sa Mindanao. Sa huli, maaalala nang lahat na sa kanyang pamumuno nagkaroon ng katahimikan sa Mindanao.

Sabi naman ni MILF chairman Murad Ebrahim ang kasunduan ang “crowning glory” ng kanilang pakikipaglaban. Ang tagumpay ng kasunduan ay hindi lamang daw para sa Bangsamoro kundi   para sa lahat nang Pilipino.

Ang paglagda sa peace agreement ay hudyat na rin ng pagkakaroon ng tiwala ng mga foreign investor. Tiyak na maraming dayuhan ang mag-iinvest sa bansa sapagkat nagkaroon na ng kasunduan sa kapayapaan.

Nararapat namang bantayan ang kasunduan at hindi dapat malabag. Ngayong magkakaroon na ng kapangyarihan ang Bangsamoro, sila na ang dapat makiusap sa ibang rebeldeng Muslim na ibaba ang armas at tamasahin ang malayang pamumuhay. Itigil na ang pakikipaglaban. Tama na ang pagbubuwis ng buhay.

BANGSAMORO

HUWEBES

ISANG

ITIGIL

MARAMING

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MURAD EBRAHIM

PRESIDENT AQUINO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with