EDITORYAL - Kailan lilinisin ang BOC at BIR?
KAPAG binanggit ang “tuwid na daan†ibig sabihin nito ay tamang landas na walang bahid na corruption. Deretso. Walang karumihan. Ganito ang gusto ni President Noynoy Aquino. Kaya nga mula nang mamuno noong 2010, ang “tuwid na daan†ang lagi niyang inuulit at gusto niyang matatak sa isipan ng lahat particular na sa mga lingkod-bayan. Ang mga lingkod-bayan ay kailangang tahakin ang “tuwid na daan’’.
Pero sa kabila na maigting ang kampanya laban sa katiwalian, marami pa ring opisyal at empleado ng gobyerno ang patuloy na gumagawa nito. “Makakapal ang balat†at walang kabusugan sa pagsimot sa pera ng bayan. Ganito ang ginagawa ng ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). Hindi nila alam ang “tuwid na daan†na sinasabi ni P-Noy.
Halimbawa na lamang ay ang isang opisyal ng BOC sa Cagayan de Oro City na dinismis ng Office of the Ombudsman makaraang bumagsak sa lifestyle check. Inalis sa puwesto si Eduardo Ginea Wong makaraang mapatunayan na ang kanyang suweldo ay hindi tumutugma sa magarbo niyang pamumuhay. Ayon sa report ng Department of Finance, si Wong ay sumusuweldo lamang ng P30,000 bawat buwan subalit napakarami niyang ari-arian. Hindi rin umano dineklara ni Wong ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN). Napatunayang guilty si Wong at agarang kinasuhan ng Ombudsman.
Ganito rin kinahantungan ng mag-asawang Marlon at Emma Pascual ng BIR. Hindi rin diÂneklara ng mag-asawang Pascual ang kanilang SALN. Marami umanong ari-arian ang mag-asawa at hindi tumutugma sa kanilang suweldo. Noong 2001, ang pinagsamang suweldo ng mag-asawa ay umaabot lamang sa P278,424.
Ang BOC at BIR ay nangunguna sa mga ahensiyang talamak ang katiwalian. Walang ipinagbago ang dalawang ahensiya. Dahil sa katiwalian ng mga opisyal at empleado ng dalawang ahensiya, kapos ang target na revenue. Kailangan ang seryosong paglilinis sa dalawang ahensiyang ito. Balewala ang “tuwid na daan†ni P-Noy.
- Latest