Depresyon sa Pilipinas
APAT sa 100,000 Pilipino ang nagpapakamatay kada taon. Ito ay ayon sa datos ng DOH. Kaya kung 90 milyon ang populasyon ng bansa, higit 3,600 ang nagpapakamatay bawat taon. Ayon naman sa World Health Organization (WHO), 4.5 milyong Pilipino ang may depresyon noong 2004, at karamihan sa mga ito ay nasa edad 11 hanggang 34.
Matinding depresyon ang magtutulak sa isang taong magpakamatay. Para sa kanya, wala nang solusyon ang mga pinagdadaanang mga problema, at hindi na kinaka-yanan ang matinding lungkot. Sa kaso ni Helena Belmonte, ang 28-anyos na modelo na tumalon mula sa 28th floor ng kanyang condo sa Pasig, hindi pa matukoy ang dahilan, pero may iniwan umanong sulat sa kanyang condo. Sa kaso naman ng nobya ni Mick Jagger na si L’Wren Scott, isang fashion designer, baon na umano sa utang ang kanyang negosyo. Malamang ay hindi na nakayanan ang mga problema. Tila sunud-sunod na nga ang mga nagpapatiwakal.
May mga sintomas ang taong dumadaan sa matinding depresyon. Hindi na nakakatulog, hindi na masyadong kumakain, iritable at tila wala sa sarili kung minsan, mas madalas nang nag-iisa at wala na masyadong kinakausap. Mahalaga para sa mga malapit sa kanya ang makita kaagad ang mga sintomas na ito, para maagapan ang problema. May mga gamot para labanan ang depresyon, pero kaila-ngan ito ng payo ng doktor. Kapag nakikita na ang mga sintomas, kailangang dalhin kaagad sa doktor para malaman ang pinakamagandang gamot para sa kanya. Hindi na kailangan sabihin na ang suporta at pagmamahal ay importante para sa dumadaan sa depresyon. Kadalasan kasi, napapabayaan na lang ang mga biktima ng depresyon.
Matitindi ang mga problema ngayon. Karamihan, probleÂma sa pera, relasyon, kalusugan. Hindi lahat ng tao ay kayang magdala ng problema. Sila ang dapat bantayan. Mahalaga ang buhay. Kung may hinala na dumadaan na sa depresyon ang isang tao, kumilos agad, nang hindi mauwi sa trahedya, hindi maging isang estatistika na lang.
- Latest