^

PSN Opinyon

‘Media payoffs?’ (In form of advertising)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI ako pipi at hindi ako hipokrito para tumahimik na lang sa mga naisulat ng Philippine Daily Inquirer sa kapatid kong si Erwin.

Ganito ang tema ng kanilang pagkasulat, pagdawit nila kay Erwin. “Media payoff in form of advertising.”

Ang isang lehitimong journalist alam ang salitang “due diligence.” Maliban na lamang kung siya’y salat sa kaalaman, burara o talagang sinadya.

Ang patalastas o advertisement sa dyaryo, sa telebisyon o sa radyo ay kinakailangan ng kontrata sa pagitan ng may-ari ng patalastas o advertisement at ng media.

Ang bawat patalastas o advertisement, kinakailangan ng kontrata tulad sa Philippine Daily Inquirer at iba pang mga dyaryo.

Ganito rin sa mga TV network, kinakailangan ng kontrata at telecast order. Maging sa mga malalaking radio network tulad ng RMN, kinakailangan ng broadcast order o BO para ma-eere ang kanilang broadcast material.

Sa mga ahensya ng gobyerno na may inilalagay na advertisement sa media, kinakailangan ng kontrata tulad ng aking nabanggit sa itaas at may prosesong sinusunod ang media network at ang nasabing ahensya.

Pagkatapos maisakatuparan ang pag-ere ng kanilang produkto, kinakailangan mayroon kang ipi-presenta na certificate of performance o CP, patunay na na-ere ang patalastas bago ka bayaran.

Tseke ang ibinabayad sa media network ng ahensya ng gobyerno. Kung kaya’t sa voucher nakalagay ang pangalan ni Erwin Tulfo for media advertisement.

Kung nawala man ang mga dokumento ng ahensya ng gob­yerno, may kopya ang RMN maging si Erwin. Isa siya sa mga “premium broadcaster” doon bago siya naging kabahagi ng TV5. 

Ang pagiging premium broadcaster ay isang desisyon. Sa halip na siya’y swelduhan ng network, mas pinili niya minutes airtime na ibebenta ng kaniyang marketing sa mga advertisers tulad ng sa kaso ni Erwin.

‘Yung patalastas na 30-second commercial spot araw-araw sa programa ni Erwin sa RMN ay panawagan ni dating Agriculture Secretary Art Yap hinggil sa fertilizer subsidy noong mga panahong 2009.

Dapat kalkalin ng magaling na “investigative” na broadsheet ‘yung P2 milyon na ibinayad sa isang media man kung ito’y may mga dokumento at dumaan sa legal na proseso. Maliban na lamang kung nabahag ang kanilang buntot na kalkalin ang kasong ito with due diligence.

Dahil kung hindi, ‘yun ang istorya, “payoff,” bribe o payola. Kung magaling ang dyaryo n’yo, alam ninyo na ang pakay ko.

May karugtong…

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY ART YAP

ERWIN

ERWIN TULFO

GANITO

KUNG

MALIBAN

MEDIA

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with