^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Siyasatin, itinapon na relief goods

Pilipino Star Ngayon

MARAMI pang Yolanda victims sa Leyte ang hindi pa ganap na nabibigyan ng tulong, kabilang na ang pagkain at damit. At ang ilan sa kanila ay hindi na umaasa pang matutulungan kaya sa sariling sikap sila nananalig at tumatayong mag-isa. Marami pa ring biktima ng Yolanda ang nasa mga tent at patuloy na umaasa ng tulong mula sa gobyerno at iba pang mga may mabubuting puso. Mula nang salantain sila ni Yolanda noong Nobyembre 2013, marami pa sa mga biktima ang hindi alam kung paano sila mabubuhay. Hindi nila alam kung habang panahon silang magpapalimos at manghihingi ng awa. Sabi naman ng gobyerno, patuloy silang tutulungan hanggang sa makabangon. Patuloy din naman daw ang pagdating ng tulong mula sa ibang bansa sa kabila na dumagsa na ang maraming tulong makaraang manalasa ang bagyo. Nasa mahigit 6,000 katao ang namatay sa bagyo.

Maraming bansa ang tumulong sa mga biktima ng Yolanda. Walang patid ang pagdating ng kung anu-anong tulong at wala ngang pagkasawa sapagkat magpahanggang ngayon, patuloy pa ang pagbuhos ng aid mula sa maraming bansa.

Subalit nakadidismaya namang malaman na may nabulok na relief goods sa Leyte at ibinaon lamang ang mga ito. Hindi raw naipamahagi ang relief goods, karamihan ay mga pagkain at damit. Na-expire na umano ang pagkain kaya iniutos na lamang daw na itapon o ibaon ang mga ito. Ang nag-utos umano ay ang mayor.

Ayon sa report ng World Food Programme, marami sa relief goods na nagmula sa maraming bansa ang hindi naipamahagi at ang iba ay nawala naman habang tina-transport, ang nabulok lamang sa mga bodega. Ang ilan daw ay nakikitang binibenta rin sa palengke.

Nakakahiya ito. Ano ang sasabihin ng mga bansang tumulong? Baka sa sunod na may kalamidad na dumating (huwag naman sana) ay wala nang tutulong sa Pilipinas. Imbestigahan ang mga nabulok at ibinaon na pagkain. Dapat panagutin ang mga iresponsable.

ANO

AYON

DAPAT

IMBESTIGAHAN

LEYTE

MARAMI

WORLD FOOD PROGRAMME

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with