Cabinet secretary nagparetoke ng ilong
ALAM n’yo bang nagparetoke ng ilong ang isang Cabinet member ni President Noynoy Aquino?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating President Fidel Valdez Ramos, Defense Undersecretary Eduardo Batac, Sis Rosy Saranggaya ng Santiago City, Mrs. Lita Taruc, Marlon Lineses, Riere Lavares, Rolly Tabangay at Bro. Patrick Batongbakal ng Fajardo Lodge.
Alam n’yo bang pinag-uusapan ng ilang Cabinet members ang kapwa nila opisyal dahil sa pagpaparetoke nito ng ilong. Ang ilang opisyal ng gobyerno ay hindi nagpapahuli sa mga tsismis. Sila ay mga socially aware din.
Ayon sa aking bubwit, maganda na ang Cabinet member pero gusto pa niyang lalong gumanda kaya pinaretoke ang ilong. In fairness, maganda naman talaga ang pagkakaretoke sa kanya dahil hindi masyadong halata at bumagay sa kanyang maamong mukha.
Ayon sa aking bubwit, ang nasabing Cabinet member na nagparetoke ng ilong ay nauugnay sa kapwa opisyal din ng pamahalaan. Siya ay madalas mapanood na nagsasalita sa telebisyon at iniinterbyu rin. Siya ay si Madam Secrtetary A. as in Ayos na ang ilong.
- Latest