^

PSN Opinyon

‘Ginigipit ni Mayor(?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG TERMINONG ‘PROPRIETARY RIGHTS’ ay nakapaloob sa ating mga batas na prinoprotektahan ang sinumang individual o korporasyon ay gamitin dahil sa kanilang pagmamay-ari ng isang ‘property idea, process property or other item’.

Ang Proprietary Rights sa negosyo ay kaakibat ng isang ‘business ownership’ kasama na dito ang karapatang protektahan ang pangalan ng negosyo at ang tatak nito.

Ganun din ang pagkakaroon ng karapatan ng mga tao ay meron ‘Preprietary Rights sa kanilang ‘real estate’ o lupa maging ito ay bakante, ino-okupahan ng tahanan o ginagamit sa ibang paraang legal naman.

Kapag ang karapatang ito ay nilabag ng sinuman, kahit sinong Pilato ito ang maaaring pagmulan ng kasong legal dahil ito ay malinaw na pakiki-alam (infringement) sa karapatan ng may-ari.

IPINARATING sa amin ni Mr. Benjamin Ramos ng AMB ALC Holdings Management Corporation ang umano’y panggigipit sa kanilang negosyo  nung una ng Dagupan City Engineer  na si Ms Virginia  V. Rosario.

Kinasuhan ng RA 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act at Grave Misconduct at Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service.

 Ito ay inihain sa Tanggapan ng Deputy Ombudsman ng Luzon na ngayo’y pinagpaliwanag itong si Rosario.

Inilagay nila ang mga basehan ng kanilang reklamo laban kay Rosario sa kanilang mga isinumiteng mga dokumento sa tanggapan ng Luzon Ombudsman.

Hindi dito nagtapos ang laban nitong matapang na si Mr. Ramos.

Binangga naman niya ang mismong Mayor ng Dagupan na si Belen T. Fernandez at ang Tresurero nitong si Romelita F. Alcantara ng parehong kaso sa isang Supplemental Affidavit na isinumite sa parehong tanggapan.

Nakitaan ni Mr. Ramos na sapat na batayan para isama ang Alkalde at Tresurero para idawit ang mga ito sa kanyang reklamo.

‘Dahil na rin sa kanilang mga ikinilos at inasal ay malinaw at walang dudang nagpakita na silang lahat at nagkaisa at partisipasyon sa ginawa ni Rosario, sa isang ‘grand criminal design’, na pare-pareho na naka-umang  na hintuin at lumpuhin  sa anumang paraan ang karapapatan ng aming korporasyon (AMB ALC HOLDINGS)  sa aming ari-arian at negosyo,  mariing pahayag ni Ramos sa kanyang isinumiteng ‘Supplemental Affidavit’.

Naisumite na raw nila ang lahat ng papeles (requirements) at nabayaran na ang mga karapatang buwis na nakadetalye sa kanilang Transfer Certificate Title (TCT) patuloy na nakatengga ang kanilang hiniling na ‘Building Permit’ noong Marso 22, 2013 na lampas na ng isang taong nakalipas.

Mga ari-arian na nakarehistro (apat na lote) na may sukat na mahigit sa limang lsang ibong metro kwadrado ng Mc Adore Properties na matatagpuan sa isang barangay sa Dagupan City na naisalin na sa kanilang korporasyon.

Si Alcantara naman ay inakusahan ng pangha-harass sa Citystate Bank na nasa lupain rin na hindi bigyan ng Mayor’s Permit dahil walang Building Permit na napag-alaman nila Ramos na ipinag-utos umano ng alkalde na huwag ipalabas kay Rosario sa AMB ALC.

Ang Citystate bank ay isa sa mga kumpanya ng AMB ALC ay naghain ng aplikasyon para sa Mayor’s Permit nuong Enero 24 ng taong ito sa ‘One Stop Business Center’ ng Lungsod.

Ang dahilan na hindi pa naa-aksyunan nito ay ang umano’y pagtanggi ni Rosario ng ‘certificate of occupancy’ na kasama sa matagal ng inaplayan ng mahigit na isang taong ‘Buil­ding Permit’.

Sinita rin nila ang kaduda-dudang aksyon ng tresurerong si Alcantara sa pagsauli ng mga binayad ng AMB ALC sa Pamunuan ng Dagupan bilang buwis sa mga lupa para sa Mc Adore Properties.

Tahasang sinabi ng abogado nila Ramos na si Atty Ferdinand Topacio na malinaw na pinapatay ang pagkakataon ng korporasyon ng AMB ALC na pagkakataong makapag negosyo  dahil lamang sa makamandag na ‘politically motivated’na agenda.

Saan nanggagaling ang akusasyon ni Atty Topacio tungkol sa ‘politically motivated’ ito?

Ito ay dahil sa nabili ng AMB ALC sa isang lehitimong pampublikong subasta sa pamamagitan ng selyadong alok (sealed bids) na isinagawa nung Enero 2013 kung saan nanalo ang AMB ALC  at nilagdaan ni dating Mayor Benjamin Lim at ng kanyang pamahalaan.

‘Lahat ng mga pangyayari ay dumaan sa lehitimong proseso. Ang Deed of Sale ay otorisado  ng dalawang Sangguniang Panlunsod na Resolution. Ang Commission on Audit mismo ang nagtakda sa presyo na binayaran naman namin ng walang kulang o labis sa Pamahalaan ng AMB ALC,’ wika ni Ramos.

Ang problemang nakikita nila ngayon ay itong si Mayor Belen Fernandez ay mahigpit na katunggali sa politika nitong si dating Mayor Benjamin Lim sa Lungsod ng Dagupan.

Ito umano raw ang nakikitang dahilan ni Ramos kaya sila naiipit o iniipit ng kasalukuyang Pamahalaan ni Fernandez ng Lungsod ng Dagupan.

Para raw sila naipit sa mga malalaking bato gayung mapa-kapagnegosyo sa Dagupan City na kung tutuusin ay makikinabang din ang Lungsod na ito sa dulo-dulo. Ayaw daw umano ni Mayor ng ganito!

 PARA SA PATAS na pamamahayag inaanyayahan namin sina Mayor Belen T. Fernandez at lahat ng mga pangalang nabanggit sa pitak na ito na ibigay ang kanilang panig.

SA MGA BIKTIMA ng krimen o may problemang legal maari kayong tumawag sa 638-7285 o sa aming 24/7 hotline 710-4038.  Magtext din kayo sa 0921-3263166 o 09198972854.

Maari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor Citystate Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Tel nos 638-7285, 710-4038

0921-3263166, 0919-8972854

ALC

AMB

DAGUPAN

KANILANG

LUNGSOD

RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with