Happy 28th Birthday, PSN
SA Monday, birthday ng dyaryong Pilipino Star Ngayon, 28 years old na ito simula ng muling buksan ng pamilyang Belmonte noong March 17, 1986, kaya tuwang - tuwa ang Chief Kuwago at ng mga original na ka-batch ko dahil nagkaroon kami ng magandang trabaho up to now.
Sa ngayon si Al Pedroche, editor in chief ng PSN at ako na lamang ang Chief Kuwago ang original na magka-batch ng buksan at mag-dry run ang Pilipino Ngayon na ibinebenta ng P1.00 sa madlang people sa Philippines my Philippines.
Marami na rin kaming original batches na umalis sa dyaryo tulad ni Lilian Tolentino, Senate reporter namin noon at Lenie Mauricia, ang SC at DOJ reporter, working student ito kaya naman ngayon ay abogado na siya, si Freddie Marquez, Southern Police reporter naman namin noon at pagkatapos ay naging desk man ito. Ang iba naming mga naka-batch ni Al ay hindi ko na rin matandaan dahil matagal na kaming magka-kahiwalay.
Batas ang importante sa amin ni Al ay umabot kami ng ganito katagal sa PSN na up to now ay still alive and kicking.
Ang isa pa sa masasabi ko ay kami lang ata na isa sa malaking company sa Philippines my Philippines ang walang ‘union’ dahil makatao, mabait, magaling at mapagmahal ang pamilya ni Miguel Go Belmonte.
Happy 28th Birthday sa lahat ng empleado ng PSN!
Cadets don’t lie, don’t chit, don’t steal
TALK of the town ang isyu regarding kay Cadet Aldrin Jeff Cudia, graduating salutatorian student ng Philippine Military Academy Class 2014 kaya naman inaabangan ito ng madlang people sa Philippines my Philippines kung ano ang mangyayari sa kapalaran nito sa prestigious ‘military school’.
Sabi nga, papayagan bang makasama tomorrow sa graduation or not?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matinding dagok kay Cadet Cudia ang diumano’y ginawa niyang pagsisinuÂngaling sa kanyang higher ups dahil ito ay labag sa color coding este mali ‘Honor Code’ pala ng kanyang military school.
Ika nga, from ‘plebo’ to senior cadets!
Sabi nga, Cadets don’t lie, don’t chit, don’t steal!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangyayaring kontrobersyal na isyung ito mukhang malabo na si Cadet Cudia sa kanyang pangarap?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kaya tuloy ang pamilya Cudia ay naghanap ng padrino este mali lumapit pala para idulog ang naging problema ni Cadet Cudia kaya tuloy nagkaroon ng pagbusisi sa kaso nito.
Hindi pa rito nagtapos ang usapan dumulog din ang pamilya ni Cadet Cudia kay Public Attorney’s Office chief Acosta para iapela ang problemang kanilang kinakaharap.
‘Bukas ay graduation ceremony ng PMA Class 2014. Maihabol kaya si Cadet Cudia sa graduation rites ng kanya mga Mistah?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Paano ngayon kung maayos ang gusot kay Cadet Cudia? Pagkatiwalaan pa kaya ito ng mga senior officer niya?’
Kamote, ikaw ang sumagot nito.
Abangan.
UFO sa BI detention cell
YESTERDAY, Itsinismis ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may milagrong nangyayari dyan sa Bureau of Immigration - bukulan este mali Bicutan detention dahil may mga kumakalat na illegal drugs sa kulungan?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag hindi ito mapigilan ay baka dumanak ng dugo dito kasi nga may involved na pitsa sa kumakalat ng tsimis. Take note, DOJ Secretary Leila de Lima, Your Honor!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may intel networking diumanong ginawa sa kulungan at sinasabing may mga nadale ang hindi lang natin alam kung ito ay ibinato sa PDEA o ni-recycle ng mga bugok dito?
Naku ha!
Totoo ba ito?
Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may newly appointed UFO na inilagay dito para magsagawa ng intel networking sa mga bugok sa detention cell ang hindi lang natin malaman up to now kung ang bagong saltang probinsiano este UFO ay ginigiba ng sindikato rito.
Abangan.
- Latest