^

PSN Opinyon

Mr. Taho-ichi Jr.

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MAY naging  kaibigan ako noong araw na nagtitinda ng taho sa aming subdivision sa Las Piñas. Siya si Tony Agustin. Mula 1969 ay nagtitinda siya ng taho hanggang tumigil noong 1994 dahil sa stroke. Estudyante pa lang ako noon sa San Beda College of Law, nang una kong mabilhan ng taho si Tony. Paminsan-minsan, pabirong tinatawag ko noon si Tony na “Mr. Taho-ichi”.

Yumao si Tony noong 2009, bagay na ikinalungkot ng mga suki niya sa village. Pero hindi naman naulila nang husto ang mga suki ni Tony tulad ko dahil ang pumalit sa kanya sa paglalako ng taho mula noong 1997 ay ang anak niyang si Larry. Ngayon ako ay lolo na at maliban sa akin, at mga anak, ang mga suki ni Larry sa pamamahay ko ay ang aking mga apo.

May dalawang anak si Larry at maybahay niyang si Lenie --- sina Jayvee, 11 at Larnie, 5. Masipag si Larry tulad ng kanyang ama.  Kaya kahit papaano umaabot din ng P5,000 bawat buwan ang kinikita niya. Pero sana ay lumaki-laki pa ang kinikita niya para naman makapag-ipon siya para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Kaya sa kapwa ko villagers na makakabasa nito, huwag po kayong mag-atubiling bumili ng taho kay Larry. Maliban sa masarap at masustansiya ang taho ni Larry, nakakatulong pa tayo sa kanya at kanyang pamilya. Marangal ang hanapbuhay ni Larry na minana pa niya sa kanyang amang si Tony.

Ang mga ganitong mararangal na hanapbuhay ang dapat nating tinatangkilik. Marangal na mamamayan si Mr. Taho-ichi Jr. Mabuhay siya at buong pamilya.

vuukle comment

JR. MABUHAY

KAYA

LARRY

LAS PI

MR. TAHO

PERO

SAN BEDA COLLEGE OF LAW

TAHO

TONY AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with