Cold calls
MAY kasabihan na bago mo tingnan ang bakuran ng iba, tingnan mo muna ang iyong bakuran.
Marami ang ibig sabihin nito. Maaaring positibo o negatibo depende sa paggamit ng isang indibidwal. Pero ang ipinupunto ng BITAG dito, bago mo tingnan ang dumi at basura ng iba, siguraduhin mo na wala kang dumi at bantot sa bakurang iyong kinatatayuan.
Sa privilege speech ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali nitong mga nakaraang araw, sentro ng kanyang talumpati ang paglilinis sa hudikatura.
Kung mga regional trial court ang kanyang tinutukoy kung saan sangkaterba ang ‘hoodlums in robes’ o mga nabibiling hukom, maganda ang kanyang adbokasiya. Ang siste, ang kataas-taasang hukuman ang sinaltik at naging sentro niya.
Hinihikayat ng kongresista ang mga whistleblower na lumutang at lumantad para ilabas ang umano’y korupsyon sa hanay ng hudikatura na hindi masyadong nabibigyan at napagtutuunan ng pansin.
Si Cong. Umali na tumatayo sa kanyang bakuran o ang Kongreso na saksakan ng katiwalian at korupsyon sa kontrobersiyal na pork barrel, gustong linisin ang Korte Suprema.
Bago mo linisin ang hudikatura, ayusin muna ang inyong institusyon kasama ang iyong mga kabaro sa lehislatura. Hindi ‘yung kaipokrituhan at susubukan o mananawagan ka sa mga gustong tumestigo laban sa Supreme Court. Tinitingnan kung mayroong kakagat o papabor sa iyong isinusulong.
Wala namang masama sa iyong adbokasiya pero tingnan mo muna ang iyong kinatatayuan. Integridad ang pinag-uusapan dito.
Minsan ng naging laman ng programa ko sa radyo at telebisyon si Cong. Umali nitong mga nakaraang buwan. Hindi sa pinag-iinitan ko siya. Nagkataon lang na laman siya ng balita at naging interesado ako sa pilit niyang pinagdidiinan at ginagawang isyu.
Si Cong. Reynaldo Umali ay kapatid ni Oriental MinÂdoro Governor Alfonso Umali na kumpirmadong tumawag kay PNP Chief Alan Purisima hinggil sa pagkakaaresto sa umano’y negosyanteng estapador na si Delfin Lee.
Kayo na ang bahalang mag-analisa at humusga.
- Latest