^

PSN Opinyon

Oplan ‘Trojan War’ ni Col. Sapitula

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TAHIMIK subalit mabalasik ang kampanya ni Sr. Supt. Romulo Sapitula  laban sa mga ipinagbabawal na droga, loose firearms at wanted persons sa Laguna. Unang arangkada pa lang ng oplan “Trojan War”  nagresulta na agad ito ng pagkaaresto sa siyam na drug pushers at 39 users at P6,200.00 halaga ng droga. Kahit papaano’y nabawasan o napilayan ang pagtutulak at pagkagumon sa droga ng mga taga-Laguna. Naaresto naman ang 10 katao sa masigasig na kampanya laban sa loose firearms kung saan 13 baril at dalawang pampasabog ang nakumpiska.

Hindi rin nakawala sa mga kamay ni Sapitula ang tatlong most wanted persons  na sina Daniel Celestino, Ronel Naz , Rank # 6 at Reymundo Fajardo, Rank # 7 sa talaan ng PNP Laguna. Idagdag ko pa ang  11  wanted  na may sari-saring kaso na sina Frederick Porca, Norberto Nielo, Rhea Prats Enriquez, Martin Miranda, Ejay Cris Alinas, Erickson Morales, Michael Gonzales, Oresteo Millares, Efren Divinagracia, Vladimir Carl Delos Santos at Arnel Somera. Kita n’yo na mga suki, kapag dedikado ang opisyal ng pulis sa sinumpaang tungkulin para sa bayan tiyak na mamumutiktik ng accomplishment. Marami kasi sa mga pulis ngayon ang inuuna ay pagkakaperahan kaysa maghabol sa mga kriminal kaya ang namamayagpag ang mga kriminal sa kalye. Hehehe!

Mukhang hindi nagkamali si PNP chief DGen. Alan Purisima at Laguna Gov. E.R.Estregan sa pagtalaga kay Sapitula na pamunuan ang Laguna Provincial Police Office. Mukhang walang kapaguran si Sapitula dahil noong nakaraang Sabado (Marso 8) nalansag nila ang kilabot na Liquido Group sa Barangay Real, Calamba City, Laguna. Sugatan ang isang miyembro ng Liquido group na si Ben Aquino nang makipagbarilan sa mga pulis. Nahuli ang lider na si Eric Liquido at mga kasamahan nito na sina Angela De Guia, Sherwin Galang, Ramonsito Jajardo at Saragoza Odper. Nakumpiska sa kanila ang 13 baril, mga bala para iba’t ibang kalibre ng baril, granada. shabu at mga paraphernalia’s, tatlong motorsiklo at dalawang bull cops. Ayon kay Calamba police chief Supt. Marvin Saro matagal na nilang sinusubaybayan ang Liquido group. Reponsable rin umano ang grupo sa pagpatay sa anim na mga pinaghihinalaang tulak ng droga sa Calamba. Abangan!

ALAN PURISIMA

ANGELA DE GUIA

ARNEL SOMERA

BARANGAY REAL

BEN AQUINO

CALAMBA

CALAMBA CITY

DANIEL CELESTINO

SAPITULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with