^

PSN Opinyon

Kawatang dugong bughaw

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MASAKIT na katotohanan, may pinapaboran ang batas at pamahalaan sa mga nahuhuling kriminal. Ito ay kung titingnan at pagbabatayan ang takbo ng imbestigasyon ng kaso ni Napoles na umano’y utak ng P10 billion pork barrel fund. 

Sa simula palang ng paggulong ng kaso hanggang sa lugar na pagkukulungan hindi na agad patas ang pagtrato. Nagiging katawa-tawa tuloy ang ilang mga Cabinet member at nakaupo sa gobyerno na ‘halatang’ nagkakanlong kay Napoles.

 Lumalabas tuloy, kapag ikaw ay mahirap o maliit na taong nagnakaw o gumawa ng krimen, hindi kilala sa lipunan at walang koneksyon, Diretso ka agad sa regular na bilangguan. Bahala ka na sa buhay mo kung mamatay ka o mabuhay sa ‘loob.’

 Kapag ikaw naman ay mayaman, “dugong bughaw” kung tawagin, dati ng mandarambong o yumaman dahil sa pagnanakaw, pinapaboran at pinoprotektahan. Sa kaso ni Napoles, ‘big time’ na kawatan na itinuturo ng mga state witness, iba ang hustisyang ipinapataw. Sa halip na ikulong siya sa city jail katulad ng mga maliliit na kriminal, inilagay siya sa hiwalay na “kulungan.”

 Gusto niya pang maisailalim sa Witness Protection Program habang isinasagawa ang imbestigasyon. Bukod pa dito ang sustentong P5,000 kada araw o P150,000 buwan-buwan para lang maging komportable siya sa kaniyang detention cell. Sa madaling sabi, siya na ang big time na kawatan, siya pa ang ginagastusan, siya pa ang pino-protektahan ng pamahalaan.

 Kung sa anumang mga kadahilanan at interes ng ilang mga gabinete, kulang nalang pati hiling nitong hospital arrestay pagbigyan.

 Dahil sa pagkanlong na ito ng ilang mga nakaupo sa gobyerno, lumalabas tuloy na ayos lang magnakaw sa kaban ng bayan.

Basta kung magnanakaw ka na rin lang, gawin mo ng big time o malakihan. Hindi ka naman agad makukulong at mapaparusahan bagkus ikaw pa ang papaboran at po-protektahan ng pamahalaan.

Halos isa’t kalahating taon na lang ang natitira sa termino ni P-Noy Aquino, malaking palaisipan at katanungan ng taumbayan kung mayroon makukulong at masisentensyahan sa lahat ng sangkot sa malawakang PDAF scam.

 

BAHALA

BUKOD

DAHIL

DIRETSO

NAPOLES

P-NOY AQUINO

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with