^

PSN Opinyon

‘Isa pang rape victim ni Vhong (?)’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA PAGPAPATULOY NG KWENTO ni Roxanne Cabanero y Acosta, isang 24 anyos na babae na nang akusa kay Vhong Navarro na siya umano ay ginahasa ni Vhong nung 24-ng Abril 2010, tinalakay ko ito sa aking ‘Calvento Files; Official Web page sa internet. Ang www.facebook.com/tony calvento.

Ito ay merong mahigit sa 23,000 miyembro at dun marami ang nagbibigay ng sariling kuro-kuro sa mga pangyayari at impormasyon din naman na nakakatulong.

Sa isang hindi inaasahang bagay may naglagay ng isang ‘poster’ ni Vice Ganda andun ang mukha niya at nakalagay ang mga ‘guest niyang’ sina Kean Cipriano, Streetboys at nakasulat ‘with the special participation of Vhong Navarro. Ang petsa ng concert na gaganapin sa Island Cove ay nakalagay na April 24, 2010.

Agad kong tinawagan si Cory Vidanes, ang Vice President at Program Head ng naturang kumpanya. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa concert.

Agad naman tinawagan ni Cory si Vice at pagkatapos ay pinag-usap kami.

Sa dami ng concert na tinanghal ni Vice mula ng siya’s sumikat hindi na niya masyadong matandaan itong concert na ito. Ang naaalala niya na nagkaroon sila ng serye ng mga concert kung saan nakisama si Vhong at lumabas bilang guest para mas lalong makahatak ng mga tao dahil sikat na nun si Vhong. Pinangako niya na kakausapin niya ang kanyang manager nung concert at titingnan niya ang poster kung kanya talaga yun.

Makalipas ang isang araw ng mag-usap kami ni Vice agad na niyang sinabi na kanya ang poster, ang lay-out, font at pati ang teksto na nakasulat dun ay kanyang-kanya.

Nakausap na rin niya ang Concert Organizer at kinumpirma nito na nagkaroon ng concert nung gabing yun. Ang gabing sinabi ni Roxanne na siya ay diumano ginahasa nitong si Vhong Navarro.

Naging mabilis ang pagsagap ng balita. Ang grupo ng ‘Buzz ng Bayan’ Sa pamumuno ni Louie Andrade, ay kumilos para magpadala ng team. Mismong ang host ng show na si Boy Abunda ang nagpunta sa Island Cove at kinapayam ang Concert Manager. Idinetalye ng babae ang mga naaalala niyang mga kaganapan nun.

Hindi dun nagtapos ang pagsasaliksik nila Abunda. Nagpunta sila sa Astoria Hotel sa Ortigas at kinausap ang manager dun na nagsabing naalala niya ang negosasyon ng Slimmer’s World, Ms. Bikini Open nung 2010 subalit kinailangan niyang tanggihan ang alok bagamat ito’y isang magandang marketing strategy para sa hotel dahil sa dami ng kwartong hinihingi ng Ms. Bikini Open.

Paano na ngayon ang mga Sinumpaang Salaysay ni Roxanne na siya ay ginahasa ng TV Host/Comedian nung mga araw na yun.

Ang abogado ni Roxanne na si Atty. Virgilio Batalla, na isang CPA at dating pulis na natalaga sa Southern Police District, kung saan dinala si Vhong para magpa-blotter tungkol sa panre-rape niya kay Deniece Cornejo  at hinarap ang bugbog saradong si Vhong nila Cedric Lee at si Roxanne ay biglang kumambyo ng mga pahayag.

Nung mga araw na April 24, 25, 26 at 27 daw siya umano nagahasa ng actor.

Hindi na rin niya matandaan ang pangalan ng hotel na kanilang kinalagyan nung Ms. Bikini Open.   

Matigas ang mga pahayag nitong si Roxanne na handa na siyang harapin si Vhong at sa isang panayam kay ‘Doris Bigornia’ sinabi nitong ‘It’s going to be a bloody war… I want him (Vhong) to explain why he did it and apologize…’ having done it.

Natigilan ang lola mo ng sabihin ni Doris na ‘That’s all you want him to do? Apologize?

Ang tanong ko naman talaga kay Roxanne, ‘Gaano ka ba kadalas na gahasa sa buhay mo na hindi mo maalala ang petsa at lugar ng pinangyarihan.

Isinalarawan mo itong isang ‘Horrific experience’ at ‘It’s going to be a bloody war..’ subalit mali-mali ang mga detalye mo.

Para kang pumunta sa gerra na may dalang baril pero mali ang balang dala mo. Si Atty Virgilio Batalla naman, naman attorney, sana siniguro mo ang lahat bago mo isinampa ang kaso sa Pasig Prosecutor’s Office.

Kung hindi dun naganap at hindi rin sa pangalawang hotel sa Melenia Hotel saan sa Pasig. Kapag hindi sa Pasig saan? Sa isang teknikalidad maaaring ma-DISMISS ang kasong ito dahil sa maling venue. Alamin mo talaga Roxanne at Atty. Batalla kung saan naganap baka ibasura ito ng Prosecutor na si Robinson Landicho dahil sa maling venue isinampa ang kaso.

Binalikan ko si Vice Ganda at tinanong ko siya ng tahasan kung maaari siyang tumestigo tungkol sa kaso ng umano’y rape nung April 24, 2010. Isang mabilis na ‘Oo” ang nadinig ko mula sa kanya.

Pumayag din magbigay ng ‘Affidavit’ ang Concert Organizer at pati na rin ang Manager ng Astoria tungkol sa mga nalalaman nila.

Nagkaroon ng problema dahil paalis si Vice para sa serye ng mga Concerts sa Amerika at ito’y nakatakdang magsimula sa Pebrero 28.

Kailangan niyang makalipad papuntang Amerika ng Pebrero 26 ng gabi dahil mahigit sa 18 oras ang biyahe papuntang Amerika.

Nung umaga ng Pebrero 26, alas nuwebe ng umaga dinala ko si Vice sa Pasig Prosecutor’s Office para panumpaan ang mga nilalaman ng kanyang salaysay na ginawa ng mga abogado ni Vhong.

Kami ay ineskortahan ng mga tauhan ni NCRPO Chief, Chief Superintendent Carmelo Valmoria, P/Chief Supt., si C/Supt Richard Albano, mga tauhan ni Supt. Limuel Obon, Hepe ng Station 10 ng Q.C. at mga elemento ng Quezon City Police.

Tumulak na ang ‘convoy’ sa gitna ng trapik dahil ito ay ‘rush hour’ subalit sa galing din naman ng mga ito nakarating kami ng maayos at nanumpa si Vice.

ABANGAN sa Lunes sang pagpapatuloy nitong seryeng ito, Eksklusibo sa ‘Calvento Files sa Psngayon’.

PARA sa mga biktima ng krimen o may legal problems maari kayong  magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., 709 Shaw Blvd., Pasig. Maari din magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

Ang aming programa sa radyo sa DWIZ882 khz ay may bagong oras. Magsisimula ito 2:30-4:00pm, Lunes hanggang Biyernes at tuwing Sabado 11:00 -12:00 pm. Pakinggan.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

CONCERT

ISANG

MS. BIKINI OPEN

NIYA

ROXANNE

VHONG

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with