Mag-ingat sa Hamog Boys sa Guadalupe at Jumper Boys sa Tondo
ALAM n’yo bang bumalik na naman ang Hamog Boys sa EDSA-Guadalupe at nambibiktima na naman ng mga motorista?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay NBI Director Virgilio Mendez, Brig. Gen. Wilfredo Bonilla, Konsehal Dick Chuidian, Sis Baby Garing, Chato Valencia, Raffy Querol, Bongbong Gamatero at Bro. Joe Chua.
Alam n’yo bang nangungulimbat na naman ang Hamog Boys sa Edsa-Guadalupe? Sila yung mga menor-de-edad na nagnanakaw ng gamit ng mga pasahero ng taxi at iba pang motorista. Nahuli na ang mga batang ito noon at dinala sa DSWD pero balik uli sila ngayon.
Paalala sa mga dumadaan sa EDSA-Guadalupe, i-lock ang pintuan ng sinasakyang taxi at pati mga pribadong motorista. Paging Makati Mayor Junjun Binay at Makati police chief Sr. Supt. Manuel Lukban Jr.
Ayon pa sa aking bubwit, kung merong Hamog Boys sa Guadalupe, meron namang Jumper Boys sa North Harbor, Tondo, Manila na nambibiktima rin sa mga motorista. Sila ay armado ng tubo at patalim. Mga menor-de-edad din sila at may kasamang may mga edad nang tambay at nambibiktima sa Pier 4 hanggang Pier 12.
Nang-aagaw sila ng bag, cell phone at mga kagamitan sa sasakyan habang nakahinto sa trapik. Kapag lumaban ang bibiktimahin, inaambahan silang sasaksakin o papaluin ng tubo.
Matagal nang inirereklamo sa pulisya ang Jumper Boys pero walang aksiyon. Tinatawagan ko si Manila Mayor Erap Estrada at MPD Director Rolando Asuncion na aksiyunan ang problema.
Sana hindi sila matulog sa pansitan
- Latest