Magandang asal sa cyberworld
ANG internet ay lumikha ng isang kaibang mundo para sa sangkatauhan. Ang tawag sa makabagong mundo na ito kung ihambing sa ating mundane world ay cyberworld. Maliwanag na ang cyberworld ay ipinagkaloob sa ating lahat ng Mahal na Panginoon na lumikha ng mundong ating ginagalawan. Ngayon, kahit saang sulok ng mundo man tayo naroroon, maaari tayong magtext, mag-email o tumawag sa mga kaanak o kaibigan sa ibang bahagi ng daigdig. Hindi tulad noon na ang hirap kumontak kahit mag-long distance calls. Karamihan noon, nagpapadala na lamang ng mga sulat na buwanan bago makarating sa addressee.
Ang tawag natin sa mga laging nag-iinternet ay netizens sa halip na citizens. Pero sana, bilang pagpapahalaga sa binigay sa atin ng Diyos na cyberworld, huwag na nating pairalin doon ang mga di-kanais-nais nating mga ugaling mundial tulad ng walang paggalang sa kapwa lalo na sa mga mas nakakatanda sa atin. May mga netizens kasi na napaka-nasty. Halimbawa, kapag hindi nila nagugustuhan ang isang comment sa Facebook ng isang netizen ay kung anu-anong panlalait at insulto ang mga pino-post nila.
We can disagree without being disagreeable. Hindi ito maganda para sa imahe nating mga Pilipino na bantog sa buong mundo na mga literate, may magandang asal at may pinag-aralan. Dapat makikilala rin tayo ng fellow netizens natin sa cyberworld na mga cultured, gentle and kind. Magpamalas tayong lahat ng good manners and right conduct sa cyberworld, bagay na nakakalimutan na yata ng mangilan-ngilan sa atin sa mundane world. Huwag nating i-pollute ang cyberworld with inappropriate behavior. Huwag nating bigyan ng dahilan ang Panginoon na sumimangot sa atin sa cyberworld. Napakarami na ng bilang ng mga Pilipino ngayon sa cyberworld. Let us be paragons of fine manners in that new world.
- Latest