^

PSN Opinyon

Ang flat tax ni Belgica

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY sentido ang 10 percent flat tax na adbokasiya ni Greco Belgica, ex-councilor ng Maynila na tumakbo rin noong senatorial elections bagamat hindi pinalad magwagi­.

May pahayag siyang ipinarating na gusto kong ta­lakayin. Sabi niya, natutuwa siya sa pahayag ni Presidente Noynoy Aquino sa kanyang EDSA Day speech na: “Pag-ibig ang diwa ng EDSA”.

Sa 10 percent flat tax  wala nang ibang buwis na babayaran ang mamamayan. Wala nang EVAT, amelyar at kung ano-ano pang ibang buwis na lubhang pabigat sa taumbayan.

Patungkol sa EDSA speech ni P-Noy, sinabi ni Belgica “Tama po.  Pag-ibig sa bayan, sa Diyos at sa kapwa ay dapat nating alalahanin na diwa ng Edsa Revolution at buhayin­ sa damdamin ng bawat pilipino, pamilya, kabataan at pamahalaang sibil”.

Pero ang tanong ni Belgica ay “Nasaan ang pagibig kung kalahati ng ating kinikita ay sapilitang kinukuha ng gobyerno sa buwis (32% income tax, 12% evat, RPT, interest tax, and other requirements). Yung lupang binili mo na babayaran mo pa sa gobyerno taon-taon sa amilyar at kapag di nabayaran, kukunin nila sa’yo at ibibenta sa iba.  Eh s’ayo nga yon, pinaghirapan at binili. Ang dami-daming lupa ng gobyerno ang tao wala. 

Sa dinami-dami nga naman ng binabayarang buwis ng mga mamamayan, wala tayong masyadong progresong nakikita na pinatindi pa ng maraming kaso ng pagnanakaw sa pamahalaan. Ang pera ng bayan ay nagiging pork barrel­  na nadudugas lamang ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng grupo ni Belgica na nagdedeklarang illegal ang DAP na kilala bilang pork barrel pero ani Belgica, naghahari pa rin ang kawalang katarungan. Aniya “ipagtatangol pa at hindi babaguhin ang pang-aabuso sa kapangyarihan at pag-wawaldas ng pera ng taong bayan”.

Sa kabila ng naunang pangako ng Commission on Audit (COA) sinabi ni Belgica na hanggang ngayon hindi pa ini-issue ang mga Notices of Dis­allowance na pina­ngako na ilalabas laban sa mga PDAF tainted officials upang utusan silang ibalik ang mga ninakaw at winaldas na pera ng taong bayang pinag-katiwala sa kanila.

 Sa kabila nito, sinabi ni Belgica na dumadalangin ang kanyang grupo para sa tagumpay ng administrasyong Aquino. Dapat naman talagang ipanalangin natin ang pamahalaan para ibuhos ng Diyos ang karunungan sa Pa­ngulo at sa mga katulong niya sa pamamahala ng gobyerno kung ang hangad nating lahat ay righteous governance­.

ANIYA

BELGICA

DIYOS

EDSA REVOLUTION

KORTE SUPREMA

NOTICES OF DIS

PAG

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with