Sistema sa sasakyan napapanahong ayusin na
MALALAGIM ang aksidente ng bus kamakailan. DalaÂwampu’t dalawa ang namatay nang lumundag mula sa elevated highway ng South Luzon Expressway, Metro Manila, ang Don Mariano bus. Labing-apat naman ang patay sa paghulog ng Florida Transit bus sa bangin sa Bontoc.
Sa una, mali ang balita na kalbo ang gulong at sira ang preno ng bus; sa totoo, kumakaskas sa ulan ang driver (na namatay). Sa ikalawa, palusot ng driver na kesyo nawalan ng preno ang bus at mabuhangin ang daan; pero kuma-kaskas siya pababa sa kurbada ng highway.
Ano’ng ginawa ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board? Pinatigil lahat ng biyahe ng 240 buses ng Don Mariano sa Metro Manila, at 188 buses ng Florida sa Ilocos at Cagayan regions. Kinapos ang buses sa rutang Quezon City-Muntinlupa, at Manila-Tuguegarao-Laoag. Nahuli ang pasaheros sa trabaho, klase, at business meetings. Nasira ang negosyo ng mga biyahero, nawalan ng kita ang mga taga-bus terminal, nasisante ang mga tsuper, konduktor, at meka-niko. Nasaktan ang ekonomiya -- dahil lang sa dalawang reckless drivers.
Dapat baguhin ng LTFRB ang patakarang pagsusÂpindi o kansela ng prankisa ng buong bus line tuwing may malagim na aksidente. Ayaw ng bus operators mawasaÂkan ng sasakyan o mamatayan ng pasahero, pero nakaka-recruit sila ng bugok na drivers. Dapat higÂpitan nila ang pagsala. Dapat din maghigpit ang Land Transportation Office sa paglisensiya ng professional dri-vers. Maghigpit ang Dept. of Health sa pag-accredit ng neuropsychiatric at drug testing clinics para sa drivers. At dapat obligahin ng LTFRB ang bus operators na mag-kabit ng CCTV na nakatutok sa driver, at speed limiters na mag-aalarma kapag lumampas ang takbo nang 60 kph. Sa madaling salita, magtulungan ang gobyerno at opeÂrators sa pag-ayos ng sistema ng transportasyon.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest