Atty. Biyong Garing at ang Registry of Deeds building sa Muntinlupa City
THIS coming Monday (February 24,2014) bandang alas 10am, inauguration ng gusali ng Muntinlupa City Registry of Deeds dyan sa Tunasan, Muntinlupa City sa may tabi ng Hall of Justice na malapit sa may Susana Exit kaya naman nanguÂngumbida si Atty. Silverio “Biyong†Garing, hepe ng Registry of Deeds sa Muntinlupa City para masaksihan ng madlang people ang kaganapan dito at dumalo sa nasabing programa nila.
Sinabi ni Atty. Garing, dadalo sina Honorable Eulalio C. diaz, LRA Adminstrator at Honorable Jaime R. Fresnedi, Muntinlupa City Mayor, Honorable Ronnie A. Ortile, deputy Administrator ng LRA, Honorable Robert Nomar V. Leyretana, deputy Administrator ng LRA.
Ang mga ito ang siyang mangunguna sa ribbon cutting at unveiling ng marker ng nasabing bagong gusali.
Abangan.
Renewable energy sources
MONOPOLY, ang tawag sa mga kumpanya na nagdidikta at nanggigipit ng singilin sa madlang people kaya naman walang magawa ang huli kundi ang umayon sa kagustuhan ng nila.
Sabi nga, Oo na nga basta may ilaw. Hehehe !
Ano kaya ang pakinabang ng madlang people sa Energy Regulatory Commission?
Wala !
Tanong - ano ba ang ERC?
Sagot - ang ERC, ay isang government agency na nagsisilbing guardia sibil para sa madlang people upang hindi maabuso ang presyo ng kuryente na kinukunsumo ng mga consumer nito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang problema sa kuryente hindi pa ito gaanong nararamdaman dahil may idinaan ito sa korte para sila ang humusga kung itataas ba o hindi ang presyo ng kuryente porke pumapalag ang madlang consumer.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumaas ang singilan blues sa kuryente dahil sa pansamantalang sarado ang pinagnanakawan este mali pinagkukunan pala ng kuryente kaya naman walang magawa ang ilang kumpanya kundi ang bumili ng mas mahal.
Ika nga, ipinapasa sa madlang consumer ng mas mataas na presyo?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Philippines my Philippines na siguro ang may pinakamahal na presyo pag pinag-usapan ang singilan sa kuryente.
Ano ang magandang gawin?
Siguro dapat nang pag-isipan ng madlang people o ng gobierno na panahon na para gumamit tayo ng ‘renewable energy’ sources para makamura ang tayo sa kuryente.
Tanong - ano ba ang renewable energy sources?
Sagot - Kamote, ito iyong energy from the sun o solar, sa basura o biogas, tubig o hydropwer at siempre ang hangin o windpower.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang naitulong ng solar panel sa Tacloban ng windangin sila ng super bagyong si Yolanda.
‘hindi ba mahal ang solar panel kapag imported dahil malaki ang tax ?’ tanong ng kuwagong manggagantso.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 40% ang tax nito at hinaharang pa ng mga bright sa ‘power industry ?’
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘siguro panahon na para pag-aralan ito ng mga mambabatas kung gusto nilang tulungan ang madlang people na naghihikahos ngayon sa matataas na bilihin at sa lahat ng uri ng bayagin este mali bayarin pala.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Korek ka dyan Kamote!
Abangan.
- Latest