Palakpakan ang CIDG
KAHAPON ng madaling araw natugunan ng Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Group (MPD-CIDG) ang kakulangan ng pulis sa kalye sa bisinidad ng Quiapo/Central Market Police Station (PS-3).
Maituturing na aksidente lamang ito mga suki, dahil ayon sa CIDG policemen na ayaw ipabanggit ang pangalan sa takot na maipatapon sa labas ng Maynila, napadaan lamang sila sa naturang lugar dahil may isi-serve silang warrant of arrest sa lugar ng Lope de Vega Street, Sta. Cruz nang makarinig umano sila ng putok habang binabaybay ang Quezon Boulevard kaya dali-dali silang rumisponde at doon nila naispatan ang paharurot na takbo ng motoksiklo na may sakay na tatlong kalalakihan na armado ng kalibre 38 sa may south bound lanes ng C.M.Recto/Quezon Boulevard underpass.
Napilitang makipagpalitan ng putok ng baril ang mga taga-CIDG nang makitang dehado ang mga pulis na nakasakay sa MPD-PS-3 mobile car na may plakang SJH-473 body no. M-3308. Paano nga naman tinamaan na ng dalawang magkasunod na putok ang bumper ng mobile car mula sa mga kalalakihan. At nang humupa ang usok ng pulbura nakitang nakahandusay ang tatlong lalaki na wala nang buhay. Kasunod nito ang pagsulpot ng nangangatal sa takot ng isang babae at lalaki na biktima umano ng mga napaslang na holdaper.
Kita n’yo na mga suki, kung palaging may pulis sa kalye makakatiyak tayo na malilipol ang mga kriminal sa kalye sa tuwing sasapit ang kadiliman. Kung sabagay marami rin namang pulis ang pinakakalat ni MPD-Officer-in-Charge SSupt. Rolando Nana sa lahat ng kalye ng Maynila sa araw at gabi. Ang masakit nga lamang, naglalaho ito matapos na makapag-tsek ng attendance. Hehehe! Kaya ala tsamba na lamang ang pagakakalambat sa mga kawatan at sa tuwing may nangyayaring krimen sa kalye. Puro imbestigasyaon na lamang ang inaatupag ng mga opisyales sa MPD. Get n’yo mga suki!
Marami na akong natatangap na reklamo diyan sa kapaligiran ng Quiapo at Sta Cruz hinggil sa walang tigil na pananalakay ng mga riding-in-tandem na ang karamihan sa mga biktima ay mga parukyano diyan sa Raon. Walang pinipiling oras kung mananalakay ang mga kawatan mapaaraw man o gabi kasi nga kulang ang presensiya ng pulis. Subalit kahapon ng madaling araw naka-iskor ang CIDG sa pamumuno ni CInsp. Lorenzo Cobre sa teritoryo ng PS-3.
Sa totoo lang mga suki hindi trabaho ng CIDG ang pagpapatrulya sa kalye dahil ang trabaho nila ay ang paghabol sa mga terorista at mga hardened criminals bukod pa riyan ang pagsalakay sa mga gambling operation sa lungsod ni Presdent/Mayor Joseph “Erap†Estrada. Ngunit dala ng tawag ng tungkulin hindi na nila pinalampas ang pagkakataon. Palakpak naman diyan mga suki!
- Latest