LQ nina Binay at Erap tapos na
ALL’s well that ends well! Mabuti naman at hindi nagtagal ang tampuhan nina Vice President Jojo Binay at Manila Mayor at dating Presidente Joseph Estrada.
Proyekto kasi ang pinagmulan ng away nila at baka marami na naman ang umiling-iling at kung anong ano-malya na naman ang isipin.
Sa ika-90 birthday party ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile umano naganap ang reconciliation matapos ang ilang araw din na tampuhan.
Hindi mainam sa dalawang bigating leader ng oposisyon ang magkaroon ng alitan dahil iyan ay bentahe palagi sa kabilang panig.
Parehong dumalo sina Binay at Estrada sa surprise birthday party na ibinigay ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak kay Enrile. Sana naman ay genuine re-conciliation ito at hindi pakitang tao lang. Anang source nagkamayan na ang dalawa matapos ang tampuhan hinggil sa isang panukalang proyekto ni Erap na tinanggihan ni Binay.
Tinutulan umano ni Binay ang panukala na papasu- kin ng Manila government ang SM Development Corporation upang i-rebuild ang Central Market sa Sta. Cruz, Manila bilang isang 3-level structure na magkakaroon ng grocery sa ground level.
Masamang impresyon ang malilikha ng ganyang away sa mata ng tao. Baka akalain ng tao na hindi lang magkasundo sa partehan kaya nag-aaway sa proyekto.
Alam n’yo naman sa mga panahong ito, nauuso ang mga kickback at komisyon.
Ang nasabing lupa na planong idevelop ng Manila Mayor ay hindi na pag-aari ng Maynila kundi ng Home Guaranty Corporation na nasa ilalim naman ng Housing and Urban Development Council (HUDCC) na pinamumunuan ni Binay.
Sina Binay, Enrile at Estrada ang itinuturing na “Three Kings†ng oposisyon sa nagdaang senatorial elections.
Kaya ang panawagan natin sa dalawang opposition leader na ito ay totoohanin na ang reconciliation para huwag mabutasan ng mga katunggali sa politika.
- Latest