^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi sana ningas-kugon ang LTFRB

Pilipino Star Ngayon

NATUTUWA kami sa ipinakikitang mabilis na aksiyon ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Isang araw makaraang maganap ang malagim na bus accident sa Bontoc Province pinatawan agad ng LTFRB ng 30 araw na suspension ang Florida Bus. Pinag-utos na huwag bumiyahe ang 200 units ng Florida. Mismong si LTFRB chairman Winston Ginez ang nanguna sa pag-alis ng plaka ng mga bus na umano’y illegal na pumapasada sa Mountain Province. Colorum umano ang mga bus na bumibiyahe sa Mountain Province. Ayon sa LTFRB ang plaka ng naaksidenteng bus ay nakarehistro sa bus ng Mountain Province Cable Tours. Ayon naman sa pamunuan ng Florida, nabili nila ang mga bus na pag-aari ng nabanggit na tour bus company noong nakaraang taon.

Kung ganito kabilis umaksiyon ang LTFRB sa mga naaaksidenteng bus, magkakaroon ng pagbabago at mababawasan ang mga malalagim na aksidente. Mag-iingat na ang mga bus company sa pagkuha ng mga drayber, at regular na pagmi-maintain ng kanilang mga bus. Ayon sa kuwento ng mga nakaligtas na pasahero ng Florida, nawalan ng preno ang bus habang palusong sa kurbadang bahagi ng kalsada. Sa isang iglap, bumulusok ang bus at 14 ang namatay na pasahero at ikinasugat ng 20 iba pa. Kabilang sa mga namatay ang ko-medyanteng si “Tado”.

Ipinakita na rin ng LFTRB ang pagkilos nang mahulog sa Skyway sa Parañaque ang Don Mariano Transit Bus noong Disyembre 16, 2013 na ikinamatay ng walong pasahero at ikinasugat ng 30 iba pa. Agad sinuspende ng LTFRB ang operasyon ng Don Mariano at makaraan ang isang buwan, kinansela na ang prankisa nito.

Noong Huwebes, sorpresang binisita ng LTFRB ang garahe ng Nova Bus sa Caloocan City at nakita ang mga paglabag --- kalbo ang mga gulong, basag ang salamin at mga colorum ang bus. Tinanggal na ang mga plaka ng colorum.

Natutuwa kami sa ginagawa ng LTFRB. Tuluy-tuloy na sana ito para mabawasan ang malalagim na aksidente. Hindi rin sana  ningas-kugon lamang ang ipinakikitang ito.

 

AYON

BONTOC PROVINCE

BUS

CALOOCAN CITY

DON MARIANO

DON MARIANO TRANSIT BUS

FLORIDA BUS

LTFRB

MOUNTAIN PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with