^

PSN Opinyon

Tulong-tulong sa pagbangon

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKATUTUWA na hanggang sa ngayon ay wala pa ring tigil ang pagbuhos ng tulong lalu na sa pribadong sektor para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda nung isang taon.

Kapapasok pa lang ng 2014 ay umariba uli ang ma­la­kas na ulan sa ating mga kababayan sa silangang bahagi ng bansa na pawang sinaklot ng takot. Sa mga pangyayaring ito’y nakikita natin ang diwa ng pagtutulungan na likas sa ating mga Pilipino. Hindi tayo nagaatubiling kumilos agad para sumaklolo sa mga nasa kagipitan.

Kaya kahit sangkatutak ang mga pangit na balita sa mga katiwalian  sa pamahalaan bukod pa sa mga balita sa mga karumaldumal na krimen, nakikita natin na nangingi­babaw pa rin ang likas na kabutihan nating mga Pilipino. 

At ang pagtugon sa pambansang panawagan na tumulong sa kahit anong paraan ang nakapagpapataba ng ating puso. Ito ang diwa ng bayanihan. Ito ang nakapagdadala ng ngiti sa labi ng mga tinutulungan at mga tumutulong.  At siya ring naglilikha ng paghanga at inspirasyon sa mga taga ibang bansa na bigay ang kanilang tulong at suporta.

Ang balita ko, kahit ang mga pribadong kompanya at sekta relihiyon ay tumutulong para maski paano’y maibsan ang dalamhati ng mga biktima ng kalamidad. Ang Inglesia    ni Cristo (INC) halimbawa ay nagdaraos ngayon ng “Worldwide Walk for a cause” na naglalayong lumikom ng pondo para itulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ang Mister Donut Philippines ay tumutulong din sa mga naapektohan ng bagyong Yolanda. Sa kanilang planta sa Tacloban, agad silang nag-ayos ng mga gamit para magbigay ng mga pagkain at ano pang malilingkod nila sa mga malapit sa kanilang lugar.  Ito ay  pinamigay din umano ng Mister Donut sa mga nagugutom na biktima sa loob ng ng dalawang araw. Bukod dito, kag-imbita sila ng mga payaso upang maaliw ang mga bata at naglaro sila kahit sa isang hapon lang.

Sa Tacloban naman, may iba’t-ibang “relief goods” ang ipinamahagi  sa mga nangangailangan. Alam kong isa lang ang Mister Donut sa mga nagbigay ng konting pag-asa sa mga nahihirapan sa matinding pagsubok na kanilang nararanasan.  Nawa’y marami pang iba ang patuloy na tumulong, dahil hindi makakamit nang madalian ang muling pagbuhay at pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng mga bagyong humahagupit sa ating kapuluan.

ANG INGLESIA

ANG MISTER DONUT PHILIPPINES

MISTER DONUT

PILIPINO

SA TACLOBAN

WORLDWIDE WALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with