^

PSN Opinyon

Cabinet secretary hindi sumusunod sa ‘no wangwang’ policy ni P-Noy

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hindi sumusunod sa “no wangwang” policy ni President Noynoy Aquino ang isa niyang Cabinet member?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Sen. Juan Ponce Enrile, ACT-CIS Partylist Rep. Samuel Pagdilao Jr., Atty. Rej Jularbal ng DZRH, Kris Aquino, Heart Evangelista, Malou Cabral, Val Gonzales, Mon Carredo, Rosemarie Coloma-Dagang, Andel Tubales, Col. Alex Tamondong at Aljerico Taleon.

Alam n’yo bang pasaway ang isang Cabinet secretary ni P-Noy? Ayon sa aking bubwit, noong Pebrero 10, 2014, sa Solano St., San Miguel, Manila malapit sa Malacañang nilabag ni Secretary ang batas trapiko. Si Secretary ay galing sa Palasyo matapos makipagpulong kay P-Noy. Habang naka-red light ang traffic sign sa Solano St. biglang humarurot ang sasakyan ni Secretary kasama ang dalawang motorcycle cops at dalawang back up car na Toyota Innova. No. 6 ang plate number ng kotseng Lincoln ni Secretary.

Ayon sa aking bubwit, maraming nakakita at nainis sa ginawa ni Secretary. Tinalo pa niya ang Presidente. Si P-Noy at kanyang convoy ay tumitigil kapag “pula” ang traffic light. Samantalang si Secretary ay tuluy-tuloy sa pagharurot.

Matanda na si Secretary pero pasaway pa. Kung gaano kabagal at kadiplomasya ang kanyang pananalita, kabaliktaran naman kung magpaharurot ng sasakyan.

Ayon sa aking bubwit, ang Cabinet member na hindi sumusunod sa “no wangwang” policy ni P-Noy ay si Sec. R. as in Romeo.

 

vuukle comment

ALEX TAMONDONG

ALJERICO TALEON

ANDEL TUBALES

AYON

HEART EVANGELISTA

JUAN PONCE ENRILE

P-NOY

SECRETARY

SOLANO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with