^

PSN Opinyon

Pahayag, patakaran pabale-balentong

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PANATILIHING kontra ang Korte Suprema sa pagtaas ng presyo ng kuryente “para sa kapakanan ng consumers,” sigaw ng Malacañang ngayon. Hindi ‘yan ang paninindigan ng Palasyo nu’ng Disyembre, nang ianunsiyo ng Meralco ang matinding increases. Anang Malacañang noon, walang magagawa sa taas-presyo, kaya nga dumulog ang mga galit na consumers sa Korte.

Hindi mahalaga ang sapat-ani sa palay, pahayag ng Malacañang ngayon. Hindi ‘yan ang salita nila noon, nang ipangako ang pagsasapat-ani simula 2013. Noon nga tinuya pa nila ang mga dalubhasa na nagsabing masyadong ambisyoso ang plano ng Palasyo.

Hindi priority ang Freedom of Information, anang Malacañang ngayon. Taliwas ’yan sa pahayag nila nu’ng 2010, nang isinusulong ang Truth Commission para halukayin ang mga anomalya ng nakaraang administrasyon. Giit nila noon ang karapatan ng mamamayan malaman ang detalyes ng mga transaksiyon ng gobyerno.

Malabo ‘yang Anti-Political Dynasty Bill, malabo ‘yang repormang pang-ekonomiya sa Konstitusyon, singhal ng Malacañang ngayon. Hindi’yan ang pinahalagahan sa State of the Nation, Hulyo 2013. “Walang pipigil sa pagbabago,” sigaw nila noon sa mga nagdududa sa sinseridad nila sa “sama-samang pag-unlad.”

“Iisnabin na lang namin ang mga batikos sa radyo’t telebisyon, singhal din ng Malacañang ngayon. Taliwas ‘yan sa ipinangako noong Hunyo 2010 na responsable at mapag-kalingang pamahalaan. “Kayo ang boss ko,” takda nila noon. Radyo’t TV ang pangunahing media ng masa.

Lima lang ‘yan sa mga pangakong napako at patakarang binale-balentong ng P-Noy administration. Tiyak marami pang maililista ang mga mambabasa. At patuloy pang magbabale-balentong ang Palasyo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

ANANG MALACA

ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL

FREEDOM OF INFORMATION

MALACA

NILA

PALASYO

STATE OF THE NATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with