^

PSN Opinyon

Aklan Rep. Teodorico Haresco

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LAKING gulat ni Aklan Rep. Teodorico Haresco ng sampahan ito ng ‘case problem’ ng National Bureau of Investigation ng kasong Falsification of Public Documents tungkol sa P10 milyong pekeng Special Allotment Release Order (SARO) kaya naman pumalag dito ang kinatawan ng Aklan.

Ikinuento sa mga kuwago ng ORA MISMO, ni Haresco na wala siyang kinalaman o kasalanan sa isyu ng pekeng SARO last October 2013, nakuha lamang ito ni Mary Ann Orcullo, na kanyang staff mula sa isang unknown messenger.

Ibinida ni Haresco, last January 2014 ay may dumating sa kanyang office na isang SARO rin na kamukhang - kamukha ng natanggap ni Orcullo last October na sinasabing original copy from Regional Office ng D.A sa Aklan.

Sabi ni Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ako mamemeke wala akong gustong agrabiaduhin madlang people lalo na ang mga constituent ko sa Aklan ang ginagawa ko pa nga ay tulungan ang aking mga ka probinsiya  dahil marami ang mahihirap hanggang ngayon sa amin kaya kung ang isyu ng NBI regarding sa fake SARO laban sa akin imposible ito dahil hindi ako mandarayang nilalang ng Dios.

Paliwanag ni Haresco sa mga asset ng mga kuwago, gusto niyang kalampagin ang DBM para magbigay linaw tungkol sa sinasabing pekeng SARO na unang dumating sa kanila last October 2013 dahil walang pagkakaiba ang SARO na dumating sa kanyang office last January.

Kuento pa ni Haresco, ang P10 million request nito ay dehins kasama sa PDAF niyang P70 million noong kinatawan pa siya ng Ang Kasangga Partylist last 2010, para lamang ito sa farm to market road project sa isang Barangay sa Balete, Aklan.

‘Kailangan mabigyan linaw ang pangyayaring ito at ang isa pang kinalulungkot ko ay bakit sa dinami-dami ng sinasabing involved dito ay ako lang ang nasi-single out,’ hinanakit ni Haresco.

‘May kagalit o kaaway kaya si Haresco at hinihila ito pababa para sirain ang pangalan sa madlang public ?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Siguro ilabas na lahat ang pangalan ng mga mambabatas na sinasabing may kaugnayan sa fake SARO at sa PDAF ni Napoles para makapagbigay linaw sila at hindi iyong nayayari sila sa madlang people na wala silang kinalaman tulad ni Haresco.’ sabi ng kuwagong talunan sa eleksyon.

‘Kung masama akong nilalang ng Dios hindi ako tatanggapin o susuportahan ng madlang people sa Aklan para ako ang maging kinatawan nila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.’ sabi ni Haresco.

Abangan.

Inauguration ng Registry of Deeds bldg. sa Munti

LAHAT ng nakakakilala kay Atty. Silverio

­“ ­Kuyang Biyong” Garing, past DDGM NCR - E ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines at hepe ng Registry of Deeds ng Muntinlupa City ay maaring dumalo sa inagu­rasyon ng bagong - bago nilang Registry of Deeds building, nakatirik sa National Highway, Tunasan, Muntinlupa City tabi ng Hall of Justice ng nasa­bing lugar at malapit sa Susana Exit sa February 24,2014 ng dakong alas 10am.

Ibinida ni Kuyang Biyong sa mga kuwago ng ORA MISMO, isa ang kanyang bagong gusali sa buong Registry of Deeds sa Philippines my Philippines ang pinakamaganda at moderno.

Ipinaaalala ni Kuyang Biyong sa mga dadalo na huwag agad uuwi pagkatapos ng inagurasyon dahil hindi biro ang mga inihanda niyang mga putahe sa mga bisitang dadalo.

Sabi nga, huwag munang uuwi!

Ang importante magkita-kita tayong lahat.

AKLAN

AKLAN REP

ANG KASANGGA PARTYLIST

DIOS

HARESCO

KUYANG BIYONG

MUNTINLUPA CITY

REGISTRY OF DEEDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with