^

PSN Opinyon

Where Manila goes, the Nation goes!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - The Philippine Star

WHERE Manila goes, the Nation goes! Sa aming taga-Maynila, ito ang bukambibig tuwing napapag-usapan ang pangunguna ng aming lungsod sa lahat ng kapwa lungsod sa buong kabayanan. At bilang capital city, una sa estimasyon ng karamihan ang Maynila, lalo na bilang halimbawang dapat tularan.

Noon ‘yon. Noon na hindi pa lumulutang nang husto ang Quezon City at Makati na ngayon ay kapwa naging mas progresibo sa Maynila dahil sa mga naglipatang sentro ng negosyo at hanapbuhay. Nangyari ito habang ang Maynila ay naipit, nalunod at nadaganan nang hindi makontrol na problema ng kahirapan, droga at peace and order.

Unti unti itong bumangon at, kahit hindi pa nakakahabol sa mga kapit lungsod pagdating sa income at development, makikita naman ang muling pagkabuhay nito lalo na ngayon sa pamumuno ni Mayor Joseph E. Estrada at ng kanyang masigasig at may malasakit na successor, si Vice Mayor Isko Moreno.

Ang isa sa mga flagship programs ng kanilang tambalan ay ang maisaayos ang problem ng traffic. Sa dami nga naman ng tao sa Maynila, ang pakiramdam ay parang laging masikip. Sabi nga ng iba kapag bumabagal na ang usad ng trapiko: Ah, nasa Maynila na tayo. Malaki ang maitutulong ng pagsaayos ng traffic upang maibalik ang impression ng kaayusan at kaluwagan sa ating mga lansangan.

Naglunsad ng matagumpay na bus ban ang Estrada-Moreno administration nung nakaraang taon. Sa susunod na taon ay may planong ayusin din ang walang kamatayang jeepney congestion problem – kung saan tatargetin din lalo ang mga colorum. Sa taong ito naman ay heto na ang truck ban na nakaamba nang ipatupad.

Ang matagumpay na pama­malakad ng mga ordinansa ng Maynila ay magkakaroon nang masamang epekto sa mga nakapaligid na lungsod na silang magi­ging absorber ng traffic ng mga truck na ipinagbawal sa Maynila. Kung kaya mapipilitan din ang mga itong rebisahin ang kanilang mga patakaran sa traffic at sa mga truck. At least sa pagkakataong ito, dahil obligado silang sumunod nang hindi mapag-iwanan,  maipagmamalaki na naman ng Manilenyo na: Where Manila goes, the Nation goes!

vuukle comment

ESTRADA-MORENO

MAKATI

MALAKI

MAYNILA

MAYOR JOSEPH E

QUEZON CITY

WHERE MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with