Dumarami ang jobless
NAKALULUNGKOT. Ayon sa Social Weather Station (SWS), umaabot na sa 12.1 ang bilang ng mga PiliÂpinong walang trabaho. Sabi nga ng barbero kong si Mang Gustin, sila ay pulos empleyado ngayon ng MERALCO: Tagabilang ng poste!
Noon lamang isang taon, ang bilang ng mga walang trabaho ay 9.6 milyon lang. Parang hindi magandang simula ng taon ito. Magandang balita na sana ang pagÂlago daw ng ekonomiya na nasa 7.2 porsyentong gross domestic product (gdp).
Naniniwala ako sa sinseridad ng administrasyon na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. At totoo naman na positibo ang pagtaya ng mga pandaigdig na institusyon sa paglago ng ekonomiya.
Ngunit ang tanong ay paano mo ito maipapaunawa sa taumbayan kung ang sikmura nila ay kumakalam? Ang tanging ekonomiya na naiintindihan ng mamamayan ay kung gaano karami ang nabibili ng bawat pisong kanilang kinikita. Kaso, ang siste ay tumataas ang presyo ng mga bilihin pero ang sahod ng mga manggagawa ay nananatili sa dating antas.
Ang kasalukuyang situwasyon natin ay nagpapakita lang na hindi pa dumadaloy sa pinakamababang antas ng ating lipunan ang sinasabing pagunlad ng kabuhayan.
Kung may nagtatamasa man sa sinasabing kaunlarang ito ay tanging ang mga mayayamang negosyante lang.
Madaling ipaliwanag ang pagdami ng mga walang trabaho. Sinalanta tayo ng katakutakot na kalamidad noong isang taon at isang dahilan iyan para mawalan ng mapagkakakitaan ang mga ordinaryong mamaÂmayan. Yung mga mayayamang negosyante, may sapat na puhunan iyan para magpasimula uli. May access din sila sa kinakailangang tulong mula sa pamahalaan para maÂdaling makabangon.
Paano yung mga ordinaryong magsasaka na ang sinasakang lupa ay winalis at sinira ng delubyo?
Sa tingin ko, totoo sa atin ang kasabihang “ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap.â€
Kapag nagpataw ng dagdag na buwis ang gobyerno sa mga serbisyo at kalakal, hindi ito iniinda ng mga negosyante dahil ang gagawin lang nila ay magtaas ng presyo at muli, ang mga kawawang mamamayan ang apektado. Hayy!
- Latest
- Trending