^

PSN Opinyon

Asin at ilaw ng sanlibutan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang ika-5 linggo sa karaniwang panahon. May paalaala sa atin si Isaias na tulungan ang ating kapwa upang matulad tayo sa bukangliwayway. Pakainin ang mga nagugutom, patuluyin ang walang tirahan at damitan ang mga hubad. “Sa dilim ay may liwanag na tao na nahahabag”.

Maging si Pablo sa kanyang unang liham sa mga taga-Corinto, ipinangaral niya nang lubusan si Hesus na ipinako sa krus. Ipinahayag din Niya ang lihim na panukala ng Diyos sa patotoo ng Espiritu Santo ayon sa pananalig kay Hesus. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad na tayo ang asin ng lupa at ilaw ng daigdig. Ang mga ito ay pinaka-mahalaga sa ating buhay dito sa sanlibutan.

Sa ating mga Pinoy, naging bahagi na ng ating buhay ang asin. Nilalagyan natin ng asin ang mga isda para mapanatili ang pagiging sariwa. Pinatatagal ng asin ang isda at iba pang lamandagat. Kung walang asin, walang buhay sa hapag kainan.

Napakaganda at makapangyarihan ang ginawa ni Mahatma Gandhi nang ipagdamot niya ang asin sa mga taga-Englatera sa kanilang pakikipaglaban ng kanilang karapatan at kalayaan. Ang mga Ingles ang sumiil sa kanilang buhay matapos sakupin ang kanilang bansa. Nasakop ang kanilang bansa sa napaka-habang panahon katulad ng pagsakop sa atin ng mga Kastila.

Naalaala ko ang maliliit na puting bato sa baybaying dagat ng Sta. Cruz, Marinduque na ang tawag nila ay ta-p-ong. Ito marahil ang sinasabi ni Hesus na kapag nawala na ang alat, ito’y wala nang kabuluhan at tatapak-tapakan na lamang. Ang tap-ong ay inihahalo sa mainit na kanin na may taba ng baboy. Para sa mga taga-Sta. Cruz, masarap na ang kanilang tanghalian at hapunan dahil sa tap-ong. Tulad ni Hesus tayo rin ang asin ng lupa at ilaw ng daigdig!

Isaias 58:7-10; Salmo 111; 1Corinto 2:1-5 at Mateo 5:13-16

 

 

 

 

 

ASIN

CORINTO

CRUZ

DIYOS

ENGLATERA

ESPIRITU SANTO

HESUS

ISAIAS

MAHATMA GANDHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with