Nagitla ang China kay P-Noy
PINAHANGA ako ni P-Noy sa sinabi niya laban sa China nang kapanayamin ng New York Times. Ito ang sinabi niya: “At what point do you say: ‘Enough is enough’? Well, the world has to say it – remember that the Sudentenland was given in an attempt to appease Hitler to prevent World War II.â€
Maliwanag ang sinabi ni PNoy. Di uubra sa kanya ang inaasta ng China na parang Germany ito ni Hitler bago sumabog ang World War II. Sa halip na sinagot ng deretsahan ng mga lider ng China ang sinabi ni PNoy, dinaan nila ang saloobin sa kanilang state-run Xinhua News Agency. Ito ang sinabi ng Xinhua: “Philippine President Benigno S. Aquino III, who has taken an inflammatory approach while dealing with maritime disputes with China, has never been a great candidate for a wise statesman in the region, but his latest reported attack against China, in which he senselessly compared his northern neighbour to Nazi Germany, exposed his true colors as an amateurish politician who was ignorant both of history and reality.â€
Maliban sa nagtago ang mga lider ng China sa saya ng Xinhua, pinersonal pa nila si P-Noy, tanda ng pagkapikon at pagkagitla nila sa “knock-out punch†ng Presidente na sa palagay ko ay masusi niyang pinag-isipan bago sinabi sa New York Times. Tama ang Presidente. Enough is enough.
Hindi na uubra ang madiplomasyang mga salita laban sa China. Predatory neighbour natin sila magpakailanman. Let us not be naïve. Huwag na tayong umasa na maging friendly pa ang ating relations sa bansang ito. Ang China ay parang isang grizzly bear na nakaabang at lalamunin ang West Philippine Sea na parang isdang salmon. Tama si P-Noy. It’s time to call a spade a spade; a Hitlerian conduct a Hitlerian conduct.
- Latest