Abra Lodge 86
Ngayon 8:30 ng umaga ang installation ng mga newly elected and appointed officers ng Abra Lodge 86 na gaganapin sa Abra Provincial Capitol dyan sa Bangued, Abra, kaya naman lahat ng mga miembro ng Free and Accepted Masons ay inaanyayahan dumalo sa pagtitipon ito.
Ang mga bagong halal na opisyal at mga appointed officers ng Abra Lodge 86 ay sina Worshipful Master Benildo Co, Senior Warden Gabriel dela Vega, Junior Warden Custer Brillantes, Treasurer Gaspar Chan, Secretary Santiago Wilson Bolante, Auditor Hamilcar Bigornia, Harmony officer Mailed Molina, Chaplain Marino Trinidad, Marshal Medel Taverner, Senior Deacon Jose Abaya 11, Junior Deacon Arnel Brillantes, Lecturer Dionisio Delizo, Bible bearer Adlai Casia, Orator Antonio Balderama, Almoner Henry Crisologo, Senior Steward Jude Bigornia, Junior Deacon Radino Bell, Organist George de Jesus at Tyler Rufino Ramos.
Ikinuento ni Kuyang Wilson na si Atty Isagani R. Nerez, Chief Supt. Regional Director ng PROCOR ang kanilang guest of honor.
Samantala, ang Installing officer ay si Kuyang Edgar Borje Master of Ceremonies ay si Paul Estrella Santos.
Sa mga Kuyang dyan sa Abra Lodge 86 binabati kayo ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa inyong instilasyon ngayon araw.
Sabi nga, Brother Love, Relief ang Truth!
Mabuhay kayong lahat!!!
Buwis free ni Rep. Tiangco
ORAS na maging butas este mali batas pala ang inihain ni Rep. Toby Tiangco sa Kongreso na malibre na sa pagbabayad ng income tax ang lahat ng mga titser sa public shools, health workers, pulis at militar ay napakalaking bagay ito para sa kanila.
Ibinida ni Toby sa mga kuwago ng ORA MISMO, kapag napagtibay at naging ganap na batas ang House Bill No. 3824 na sinampal este mali isinampa pala nito sa House of Representatives.
Ikinuento ni Rep. Toby, na “karapatdapat sa tax exemption ang ating mga guro, manggagawang pangkalusugan, pulis at sundalo lalo pa at malaki ang kanilang papel sa pag-unlad ng Philippines my Philippines.â€
Ayon sa bida ni Toby kapag pumasa ang inihain batas tiyak marami pang madlang pinoy ang mahikayat na manilbihan bilang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Maganda rin anya ang tax exemption na ito para sa mga health worker na nagsakripisyong mawalay sa kanilang pamilya para magsilbi sa mga liblib na lugar sa Philippines my Philippines.
Magpapalakas din ito sa moral ng mga pulis at sundalo na araw-araw ay nasa panganib ang buhay.
Sabi nga, dagdag sa kanilang take-home pay ito!
Abangan.
Jueteng ayaw kagatin sa Manila dahil sa komisyon
IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na walang kabo at kubrador ang kumakagat sa pasugal na jueteng sa Manila sa ngayon dahil mas isinasalya nila ang sugal na ‘lotteng’ dahil 30 porsiento ang komisyon na makukuha management sa bangka puera pa rito ang balato ibinibigay ng mga tumama sugarol kumpara naman sa10 porsiento nakukuhang komisyon sa jueteng.
Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, laganap ang lotteng ngayon sa Maynila, video karera, horse racing bookies, sakla, cara y cruz at iba pang sugal lupa.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, putong - puto ang kubransa ng lotteng na pinatatakbo ng isang alyas Andoy dyan sa Anak Bayan, Manila, dito na nagkamal ng salapi ang kamote. Kaya naman para siyang ‘Hari’ dito na kung ano ang sabihin ay nakukuha.
Ika nga, ang sinabi ni Andoy ay hindi puedeng mabale.
Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kayang - kayang tapalan ni Andoy ng salapi ang mga bugok na pulis na umiikot sa kanya para hindi ito mahuli.
Sabi nga, binibigyan ng intelihensiya o timbre!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsawa na ang madlang manunugal na tumaya sa jueteng Manila dahil para sa kanila ay mas maganda ang laban sa lotteng kaysa jueteng dahil sa P10.00 taya sa lotteng ay nakakapamili ang isang mananaya ng 12 numbers combination na ang pinagbabasihan labas ay ang anim na numero na tumama sa Lotto na nakikita sa mga dyaryo at napapanood pa sa tv.
Sa P10.00 taya sa mga kumbinasyon na nakursunadahan ng manunugal ay tatama ito ng P25,000.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa jueteng ay dalawa lamang ang number combination pero malabong tumama ang mananaya lalo’t malaki ang kanilang taya porke nasasala na ang numero na tatayaan nila bago ‘ibulong’ ang numerong tatama.
Ang ibang bumabangka sa jueteng ay puro pakabig lamang ang gusto at ayaw magpatama lalo’t malaki ang taya ng sugarol.
Ika nga, dead numbers ang may mga malalaking taya!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Lorna ang isa sa mga bebot na nagpapatakbo ng sugalan ni Abang sa Tondo. Isang alyas Philip ang umaaktong bagman na taga - ayos sa mga bugok na pulis.
Isang bugok na pulis alyas Paknoy, sa NCRPO ang nagpapatakbo rin ng sugalan sa Maynila. Isang Enteng, naman ang nagpapasugal din sa Maynila.
Tanong - anong meron sa Manila?
Sagot - kalat ang sugalan!
Abangan.
- Latest