Bagong pagpapalago ng stem cells natuklasan
NAKATUKLAS sa Japan ng bagong paraan para mabilis na paramihin ang stems cells -- sa pamamagitan ng pagtubog nito sa asido. At dahil dito, magiging “personalized†na ang paggamot sa sakit, anang eksperto.
Inulat kamakailan sa journal na Nature ang bagong tuklas na teknolohiya. Sa eksperimento sa Riken Centre for Developmental Biology, mabilis na lumago ang blood cells nang simpleng ibabad lang ito sa asido. Dugo pa lang ng daga ang ineksperimento, pero paniwala ng mga doktor na pareho ang magiging epekto sa blood cells ng tao.
Kung gay’un, magiging mas mabilis, mura, at ligtas ang paggamit ng stem cells sa paggamot ng cancer, pagkabulag, at sakit sa lamanloob. Nakakapag-anyo ang stem cells ng anumang ibang tissue o organ, at sinusubukan na ito sa mga sakit sa mata, utak, at puso.
Binubuo ang katawan ng tao ng mga cells na may sari-sariling papel, tulad ng pang-nerve, pang-atay, pang-muscle -- at hanggang du’n lang sila. Iba ang stem cells. Kung kailangan, nag-iiba-ibang anyo ito, para i-repair o pumalit sa cells na sinira ng sakit. Ito ang dahilan kaya matindi ngayon ang pagsaliksik sa stem cell technology para gamutin ang mga maseselang karamdaman.
Kontrobersiyal ang paggamit ng stem cells mula sa embryo, o sanggol na hindi pa isinisilang, dahil sa ethical issues. Pero natuklasan sa isang saliksik, kaya nanalo ng Nobel Prize, na ang cells ng balat ay kaya ring paramihin at pag-anyuin ng cells ng ibang parte ng katawan.
Dinaig ito ng huling eksperimento sa Riken Centre sa Japan. “Paliguan†lang sa asido ang blood cells, at dadami na ito nang mabilis, simple at malinis na paraan -- para magamit agad ng pinagkuhaan ng dugo.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest