^

PSN Opinyon

Don Ramoncito ‘Mon’ Ignacio

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISA ang grupo ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bumabati sa ika - 58th Birthday, today,  ni Don Ramon, ang pilantropo sa Valenzuela City.

Ipinaaalala ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa lahat ng kamag-anak, kaibigan, mga Kuyang sa Free and Accepted Masons, mga kasama sa Law office nito, mga taga - Capitol Lodge 147, Capitol Masonic Temple na huwag na hindi pupunta sa kanyang kaarawan ngayon araw sa kanyang tanggapan dyan sa may West Avenue, Quezon City dahil hindi biro ang tsibog na inihanda nito para sa mga bisitang pupunta.

Basta walang ‘take out.’ Hehehe!

Masarap ang mga putahe ni Don Ramon dahil nagpagawa pa ito ng mga morcon, special imbutido, lechon baka, mga lechon at ang mabigat sa lahat ang inumin para sa mga lasenggo este mali manginginom pala ay Johnny Walker Blue, Gold at double black na binili nito sa Duty Free Shop para maging masaya ang kanyang kaarawan.

Matatandaan kung nakalimutan ng ibang mga nakakakilala kay Don Ramon, siya ang pilantropo na mahilig at malimit mamigay ng salapi sa mga mahihirap na nilalang dyan sa Valenzuela City lalo’t kapag araw ng Pasko at kaarawan nito.

Ang mga pupunta sa bahay ni Don Ramon ngayon araw para bumati sa kaarawan nito ay inaanyayahan na lamang na magtungo sa kanyang tanggapan ngayon tanghali para kumain.

“Happy 58th Birthday, Don Ramon!’

Mabuhay ka!

 

 

Bus, truck na bulok i - garahe na

 

Sabi ni Iloilo Rep. Jerry Trenas sa Land Transportation and Regulatory Board at maging sa Land Transportation Office na  hulihin na ang mga luma, karag-karag at depektibong mga pampasaherong bus at trak na dapat ibenta na lang sa magbabakal.

Tama!

Bilib tayo sa kuento ni Trenas, dehins dapat i-renew ng LTFRB at LTO ang rehistrasyon ng mga bus at trak na napakaluma at karag-karag pa, mapanganib at dehins na karapat dapat bumiyahe sa mga lansangan.

Sabi nga, istorbo lang!

Madaling makakakita ng mga bus at trak na smoke-belchers na indikasyon ng depektibong makita, karamihan ay mga kalbong - kalbo na ang mga gulong, at halos magkabaklas-baklas na ang mga bahagi nito kapag tumatakbo.

Kuento ni Trenas, mga dambuhala sa kalye ang mga bus at trak kaya naman lubhang mapanganib kapag ipinamaneho sa mga kaskasero at abusadong mga driver.

Sabi nga, nakakatakot!

Sa kuento ni Trenas sa mga kuwago ng ORA MISMO, tungkuling nang LTFRB at LTO na ipatupad ang mahigpit na mga rekisitos sa mga operator ng bus at trak para matiyak ang kaligtasan ng madlang public sa panganib na maaaring idulot nito.

Ayon kay Trenas, ayaw gumastos ng mga operator ng bus at trak para imintini ang kanilang mga sasakyan kaya naman kalimitan ang aksidente sa kalye.

Hinimok ni Trenas, na dapat nang itigil ng LTFRB at LTO ang pagrerehistro ng mga re-conditioned bus na gawa sa mga surplus parts at hikayatin ang paggamit ng hybrid at electric buses, coasters at vans sa pamamagitan ng tax credits at iba pang financial perks.

Sabi ni Trenas, dahil sa sobrang ganid sa tubo, maraming bus at cargo trucking operator ang hindi nagsasagawa ng regular na pagmamantina ng kanilang mga sasakyan.

Kasabay nito, pinuri ni Trenas ang hakbang ng LTFRB at LTO na ipatupad na ang panukalang atasan ang mga bus at truck ope­rator na magpakabit ng speed limiter sa kanilang mga sasakyan.

Abangan.

 

Busisiin ang mga bugok sa BOC

 

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana maging makatotohanan ang imbestigasyon gagawin sa mga bugok na opisyal sa Bureau of Customs na nagkamal ng yaman sa pakikipagsabwatan sa mga rice smuggler.

Sabi nga, nanagana sa ill-gotten wealth!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam na alam ng mga taga - bureau kung sinu-sino sa mga kasamahan nila ang kumita ng malaking halaga ng salapi sa pakikipagsabwatan sa mga rice, sugar, resins, electronics, imported vehicles, oil products smugglers.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kalkalin lamang ang SALN ng mga bugok na opisyal sa Customs simula ng pumasok sila sa bureau up to now, presto, sabit na sila sa tinatamasang kayamanan.

Abangan.

ABANGAN

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUS

DON RAMON

NITO

SABI

TRENAS

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with