Huwag idamay ang bata
TINGNAN ninyo itong mga nagsasabing rebelde sila na may ipinaglalabang karapatan. Bakit pati mga inosenteng bata ay ginagawa nilang sundalo?
Saan mang anggulo silipin, hindi ito katanggatanggap kahit sa panig ng mga rebeldeng New Peopleâ€s Army o ng mga tinatawag na Bangsa Moro Freedom Fighters.
Kung may mga militanteng grupo na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan, ang dapat maging beneÂpisyaryo ay mga bata. Duwag ba yung mga nakatatanda kaya inilalagay sa frontline ang mga batang hindi pa nakakadama ng takot at ang akala’y baril-barilan lang ang ginagawa.
Hindi kaya nakokonsensya ang mga grupong ito sa tuwing sangkatutak ang napapatay na mga batang wala pa sa tamang edad dahil isinabak nila sa giyera? Madalas pa ngang nagpapaskel sa social media ng larawan ang mga grupong ito habang isinasailalim sa military training ang mga paslit na naka-uniporme ng sundalo at may hawak na mga malalakas na sandata. Iyan ba’y isang bagay na puwedeng ipagmalaki? Mahiya kayo!
Kamakailan ay kinondena ng Malacañang ang paggamit “child warriors†at ng mga improvised device ng mga armadong grupo na nakikipaglaban sa tropa ng gobyerno sa Mindanao. Nabalitaan natin na ilan sa mga napatay na mandirigma ay mga paslit na sa murang edad pa lang ay tinuturuan nang gumamit ng mga sandata.
Halata ang motibo ng mga rebeldeng ito. Kapag mga paslit ang napapatay sa digmaan, lalabas na kontrabida ang gobÂyerno. Iyan ang dahilan kung bakit pati yung mga menor de edad ay isinasabak na nila sa giyera.
Sa pandaigdig na batas sa digmaan ay mahigpit na ipinagbaÂbawal ang paggamit ng mga menor de edad na mandirigma. Kaso nga, tila hindi mga lehitimong freedom fighters kundi mga bandido ang mga nakakasagupa ng governÂment troops kaya kesehoda kung mga paslit ang isinasabak nila sa labanan.
Mag-isip-isip naman sana ang BIFF dahil sarili nilang dugo at laman na wala pa sa edad ang ibiÂniÂbingit sa tiyak na kaÂmatayan.
Kamakailan lang tatlong batang mandirigma ang nasawi sa engkuwentro ng militar at BIFF sa baÂÂhagi ng Maguindanao habang ilan pang child warriors ang namataang kasama sa grupo ni Kumander Ameril Umbra Kato.
- Latest