PhilHealth at POEA nagpapahirap sa OFWs
AYON sa Saligang Batas, ang kalayaang bumiyahe kahit saang sulok ng daigdig ay sagradong karapatang pantao. Nakasaad sa Section 6, Article III: “Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health as may be provided by law.â€
Wala pang Republic Act na nagbibigay ng kapangyarihan sa POEA at PhilHealth na pigilan ang pag-alis ng OFWs unless lang kung ang nakasalalay ay “national security, public safety and public health.†Ngunit ang dalawang ahensiya ay tahasang nilalabag ang Saligang Batas sa pamamagitan ng pagkait sa OFWs ng overseas employment certificate (OEC) o travel exit pass kapag hindi sila nagbayad ng PhilHealth premium na P2,400 kada taon.
Dahil sa privilege speech ko noong Enero 29 na bumabatikos sa PhilHealth at POEA, ipatatawag ng Kongreso ang mga opisyal ng dalawang ahensiya para magpaliwanag. Kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang sasabihin, magsasampa ako ng kaso sa Korte Suprema dahil sa ginagawa nilang paglabag sa Saligang Batas at kalaunan, criminal cases for extortion and robbery.
Hangarin ng OFW Family Party-list na tanggalin na ng POEA ang OEC dahil maliban sa unconstitutional, ito ay nagpapahirap sa OFWs. Pumipila nang pagkahaba-haba sa mga tanggapan ng POEA ang OFWs para makakuha ng OEC. Hangarin din ng ating party-list na gawing optional ang pagmimiyenbro sa PhilHealth dahil karamihan sa OFWs ay may mga health insurance na sa kanilang jobsites. Hindi dapat ginagawa ng PhilHealth ang OFWs na mga “gatasang bakaâ€. Hindi titigil ang OFW Family party-list na batikusin ang PhilHealth at POEA hangga’t hindi nila winaÂwakasan ang “riding-in-tandem†na pagpapahirap sa OFWs.
- Latest