^

PSN Opinyon

Ang ‘charity’ ay di para sa LGU’s at Kongreso

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAYROONG resolusyon ang Kamara de Representante para paglaanan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng porsyento ang mga local government units pati na ang Kongreso. Mukhang may mali rito.

Kung magkagayon, alisin na lang ang katagang “cha-rity” sa PCSO. Sapul nang maitayo ang tanggapang ito, ang layunin ay para matugunan ang pangangailangan ng mahihirap. Ito nga lang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda ay hirap ang pamahalaan na matugunan ay babawasan pa ang pondo ng PCSO?

 Tutol ang dalawang samahan ng mahihirap sa re-solusyon na humihingi sa PCSO ng porsyento para sa mga Local Government Units at mambabatas mula sa kinikita ng Bingo Milyonaryo lottery games. Ang kahilingan ay pinagtibay sa isang Resolution ng House Committee on Games and Amusements nung nakaraang linggo.  Si Cong. Elpidio Barzaga ang chair ng Committee.

 Ani Camilo Calingasan, pangulo ng Samaka Farmers Association (SFA) ito ay makababawas nang malaki sa pondo ng PCSO. “Di ba may kaltas na ang mga LGUs at mambabatas sa kinikita ng Small Town Lottery o STL? Di pa ba sila contento dito?”, pahabol ni Calingasan.

Nakikisimpatiya tayo sa mga kababayan nating maralita. Sana ay huwag pumayag ang PCSO sa kahi-lingan. Sabi nga ni Calingasan “sundin nila kung ano ang ikabubuti ng nakararaming mahihirap na Pilipino.”

Ang Samaka Farmers Association (SFA) ay binubuo ng mahigit na 65,000 kaanib sa buong bansa.  Di lamang pagtataguyod ng kapakanan ng magsasaka ang layunin ng samahan.  Nakikialam at naninindigan sila sa mga isyus pangkalahatang problema ng kahirapan.

Binatikos din ng  tagapagsalita ng PNR Homeowners Association ang House Resolution. “Dapat pa nga ang Kongreso ang bumalangkas ng mga batas para mapalago ang kinikita ng ahensya. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari,” pahayag ni Atty. Igmidio Israel.

Pagaaralan pa ng PCSO ang resolusyon.  “Titimbangin namin. At magpapasiya kami sa pangkahalatang kabutihan,” reaksyon ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas.

Trenta porsyento ng kinikita ng Bingo Milyonaryo ay para sa mahihirap.  Sa matagalang pagtulong sa Typhoon Yolanda victims, PCSO din ang may responsibilidad.  Nangangailangan ang ahensya ng malaking pondo para matupad ang kanilang misyon.

vuukle comment

ANG SAMAKA FARMERS ASSOCIATION

ANI CAMILO CALINGASAN

BINGO MILYONARYO

CALINGASAN

ELPIDIO BARZAGA

GAMES AND AMUSEMENTS

GENERAL MANAGER JOSE FERDINAND ROJAS

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with