^

PSN Opinyon

Malaking problema ang illegal na droga

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LAGANAP na laganap na ang illegal drugs sa bansa at dapat pagtuunan ng pansin nina President Noynoy Aquino, DILG Sec. Roxas, DOJ Sec. Leila de Lima at PDEA director general Arturo Cacdac. Noong Biyernes nalambat ng PNP-Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang mahigit 200 kilos ng shabu sa Parañaque City. Kahun-kahong shabu ang nasabat sa apat na tao. Tumanggi naman ang apat na may kina-laman sila sa droga. Hehehe! Ayon kay AIDSOTF chief SSupt. Bartolome Tobias ang mga nahuli na sina Robert Tan, Oliver Tan, Mark Jun San Miguel at Felino Diamse ay maaring kasapi ng Chinese drug gang na nakabase sa bansa dahil ang kahon-kahong shabu ay nagmula pa umano sa China at Hong Kong.

Marahil ang mga shabu na ibinandera ng AIDSOTF ay nagmulat sa mga mata nina P-Noy, Roxas, De Lima at Cacdac na buhayin ang parusang bitay sa mga “drug lord” para maputol na ang paglaganap ng droga. Di ba mga suki! Ang epekto ng patuloy na pagwawalambahala ng gobyerno sa paglaganap ng droga ay nagpapalala sa kriminalidad. Katulad na lamang noong Huwebes ng gabi nang makasagupa ng mga pulis ang Sinaya group sa Gate-56 ng Parola Compound, Binondo, Manila. Nabaril si PO1 Anthony Quilanlang at ang striker na si William Adornado. Nagsagawa ng anti-criminal campaign ang mga pulis sa pamumuno ni Del Pan police chief Sr. Insp. John Guiagui. Ngunit kahit may tinamaan sa mga pulis naaresto naman nila ang suspek na si Marvin Mendoza  alias “Dabu”. Naaresto rin si Edward Pamiruyan  na nagbigay ng inpormasyon sa mga pulis ukol sa lakad ng grupo.

Ang Sinaya group ay pinamumunuan ni Norvie Sandag y Subangan. Naaresto siya noong Enero 8, 2014, subalit kahit nasa kulungan patuloy pa rin ang kanyang mga galamay sa pagpapakalat ng droga, kidnapping, gun for hire at pagpatay sa mga hindi nakapagbabayad ng kinuhang shabu. Sari-saring armas ang nakuha sa grupo at ang ilan ay may silencer pa. Sa squatters area naman ng Kilyawan, Bgy. Bagong Pagasa, Quezon City, pinagbabaril din sina PO2 Randolf Oliver at PO1 Archie Evangelista nang magsagawa ang mga ito ng Anti-Crime Operation noong Sabado ng gabi. Droga rin ang dahilan kung bakit sinalakay ni QCPD Station 2 commander Supt. Pedro Sanchez ang naturang lugar pero wala silang nahuli dahil naunahan sila.

President Aquino, Sec. Roxas, Sec. De Lima at Gen. Cacdac, ikumpas n’yo na ang “kamay na bakal” laban sa drug syndicate. Abangan!

ANG SINAYA

ANTHONY QUILANLANG

ANTI-CRIME OPERATION

ARCHIE EVANGELISTA

ARTURO CACDAC

BAGONG PAGASA

DE LIMA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with