Madaliang solusyon ang kailangan
KUNG hindi malulutas agad ang nagbabantang proble- ma sa power crisis, kawawa ang taumbayan na magpapasan ng malaking gastusin para lamang sa elektrisidad.
Ayaw ni Presidente Noynoy na bigyan siya ng emergency power upang harapin at lutasin ang krisis na ito. Kung magkagayon, dapat na lang magkaisa ang buong gobyerno para maputol ang red tape sa pagresolba sa problemang ito. Isang mabilis at episyenteng sistema ang kailangan.
Masyado kasing masalimuot ang proseso ng pagtatayo ng planta ng elektrisidad para tugunan ang problema. Pero hindi puwedeng maghintay ang bayan sa ganitong situwasyon.
Ani Sen. Sonny Angara, dapat nang mawala ang red tape dahil kailangan ang higit sa 100 lagda para ma-aprubahan ang pagtatayo ng isang power plant. Aniya, kung hindi gagawa ng paraan ang gobyerno para mapabilis ang proseso sa pagkuha ng permits sa pagtatayo ng mga bagong power plants, tiyak na mas lulubha ang problema at posibleng lalong maging mahal ang presyo ng kuryente sa Pilipinas.
Iyan naman ang tanging dahilan kung bakit kailangan ng emergency power ni P-Noy para mabilis na maresolba ang problema. Siya na lang ang mag-aaproba ng mga kailangang rekisitos sa pagtatayo ng mga kailangan para madagdagan ang power supply.
Nauna rito, sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla na may 165 steps para sa pagkuha pa lamang ng permits, kaya aabot sa mahigit na isang taon ang proseso ng aplikasyon para sa bagong power plant, bukod pa sa tatlo hanggang apat na taon para mismong pagtatayo ng planta.
Ani Angara, dapat mapabilis ang proseso lalo na ngaÂyon na nagkakaroon na ng kakulangan sa supply ng kur-yente kaya nagmamahal ang presyo nito. Dagdag niya, marami naman ang intresado na mamuhunan sa power sector dahil maituturing itong “lucrative business†sa mga nakaraang dekada.
Kaya katig ako sa panukala ni Angara na magkaroon ng “one-stop shop†para sa pagpapalabas ng permits para maging simple ang proseso.
- Latest