Anibersaryo ng Batas Kasambahay
ISANG taon na ang pagpapatupad ng Batas Kasambahay. Ito ay nilagdaan noong Enero 18, 2013 bilang Republic Act 10361 (Act Instituting Policies for the Protection and Welfare of Domestic Workers).
Si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development, ang principal author and sponsor ng natu-rang tinaguriang “landmark law.â€
Ilan sa mga probisyon nito ay ang sapat na pasuweldo sa mga kasambahay, maayos na sistema at kondisyon sa pagtatrabaho, membership sa Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG, at iba pang kaukulang karapatan at benepisyo.
Ayon kay Jinggoy, tulad ng iba pang mga lehislasyon ay natural at dapat lang na isailalim ang Batas Kasambahay sa regular na pagsusuri at ebalwasyon.
Kailangan aniyang malaman ang antas ng pagtupad sa mga probisyon ng batas, gaano na ba ito napakikinaba-ngan ng mga kasambahay at kanilang mga employer, at ano, kung sakali man, ang nakitang problema rito at anong adjustment o pagbabago ang kailangang gawin para rito.
Makabubuti aniya na magsagawa ng “nationwide policy evaluation†hinggil sa Batas Kasambahay at dapat tumulong sa hakbanging ito ang mga local government unit.
Sa idinaos na first Kasambahay Summit sa Bacoor, Cavite kamakailan ay sinabi niyang, “I cannot deny the fact that we should amend and insert new provisions to the existing law to further ensure that its objectives of better working conditions and humane treatment for domestic workers are fully realized.â€
Ikinuwento niya na habang ipinupursige niya noon ang naturang lehislasyon ay matitinding mga pagkutya at balakid ang ipinukol sa kanya ng mga kumokontra sa hakbangin.
Aniya, “Sanay na po ako sa mga batikos, insulto at mga walang basehang akusasyon. Pero hindi po ako nawalan ng lakas ng loob dahil alam kong nasa likod ko ang humigit-kumulang dalawang milyong mga kasambahay at mga employer na may malasakit sa mga kasambahay. Masigasig kong isinulong na maipasa ang batas na ito sa Kongreso dahil alam kong ito ay positibong magbibigay ng proteksyon para sa mga kasambahay.â€
- Latest